Kahalagahan Ng Kapatagan? ​

Kahalagahan ng kapatagan?

Answer:

Ang Kahalagahan ng Kapatagan

Ang isang kapatagan ay mahalaga sa buhay ng tao lalo na kung isa itong magsasaka dahil may mapagtataniman ito. Nagsisilbing pangkabuhayan ito ng ilang mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay, mais, gulay at iba pa. Maaaring pagtayuan rin ito ng mga bahay at mga kalsada dahil sa patag na anyo.

Paliwanag:

Ano ang Kapatagan o Plain?

Isa itong anyong lupa na patag, mababa at malawak. Maaaring magsaka o magtanim ang mga tao dito upang magsilbing kabuhayan.

Walang makikita na may pagtaas at pagbabang bahagi dito.

Maraming kapatagan ang nababalot sa ating bansang Pilipinas, lalo na sa bahagi ng Luzon. brainly.ph/question/182062

Sa gitnang bahagi ng Luzon tinatawag itong Kamalig ng Palay ng Pilinas dahil dito nagmumula sa marami o malaking bahagi ng produksyon ng palay.

Ang ilan sa maaaring itanim sa kapatagan ay mga gulay, prutas tulad ng pinya, bulak, abaka, palay at marami pang iba.

Maaari rin magsilbing tirahan at pagkukunan ng pagkain ng mga hayop tulad ng mga baka, kalabaw at kambing.

Ilan sa halimbawang mga lugar sa Pilipinas na may kapatagan:

Bicol

Leyte

Misamis Oriental

Bulacan

Bataan

Zambales

Ilo-ilo

Laguna

Tingnan pa ang mga link na ito para makapagbasa ng higit pa:

Ang kapakinabangan ng mga anyong-lupa: brainly.ph/question/489828

Kahalagahan ng anyong-lupa at anyong-tubig: brainly.ph/question/34627

#BrainlyEveryday

Explanation:

I HOPE IT’S HELP:)

PA BRAINLIST

See also  Panuto: Punan Ang Tsart Sa Ibaba Ng Impormasyon Tungkol Sa Iyong Komunidad. Isulat Ang I...