Utos Na Face-to-face Classes Sa 2021 Binawi Ni Duterte Dennis Gasgonia, ABS-CBN…

Utos na face-to-face classes sa 2021 binawi ni Duterte

Dennis Gasgonia, ABS-CBN News- Disyembre 26, 2020- 8:17pm

MAYNILA – Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na

magkaroon ng face-to-face classes pagdating ng taong 2021.

Plano sana itong gawin sa mga paaralan sa lugar na may mababang

banta ng pagkalat ng coronavirus.

“I will not allow face-to-face classes of children until we are through

with this… The nature of the germ we are confronting,” ani Duterte sa isang

meeting.

Naghahanda na sana para sa dry run ang Department of

Education. Pero giit ni Duterte, may pangambang posibleng kaharapin ang

mga kabataan na papapasukin sa mga paaralan sa susunod na taon.

“I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec.

Briones of the Education Department to suspend everything, all activities of

children especially face-to-face classes,” ani Duterte.

Iniutos ito ni Duterte matapos matuklasan ang bagong strain ng

coronavirus disease sa United Kingdom, na pinaniniwalaang mas

nakakahawa. Matatandaang sa bahay nag-aaral ngayon ang mga kabataan,

sa pamamagitan ng modular o kaya online learning para mapigilan ang

pagkalat ng coronavirus.

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang balita.

1. Ayon sa balita, anong kautusang para sa 2021 ang binawi ni Pangulong

Duterte?

_______________________________________________________________

2. Saang mga lugar dapat ipatutupad ang pagkakaroon ng face-to-classes?

_______________________________________________________________

3. Bakit iniutos ni Pangulong Duterte na kanselahin ang pagkakaroon ng

face- to-face classes sa mga piling lugar?

_______________________________________________________________

4. Kung ikaw ang pangulo, sang-ayon ba sa ginawang desisyon ni

Pangulong Duterte? Bakit ?

_______________________________________________________________

See also  Masasamang Epekto Ng Makabagong Teknolohiya Sa Mga Kabataan Ngayon

5. Bilang isang mag- aaral, paano ka makatutulong sa patuloy na

pagpapatupad ng bagong normal na pag- aaral sa bagong sistema ng

edukasyon ?

_______________________________________________________________​

Answer:

1. Utos na face to face classes sa 2021, binawi ni Duterte.

2.Sa mga paaralan sa lugar na may mababang

banta ng pagkalat ng coronavirus.

3. Iniutos ito ni Duterte matapos matuklasan ang bagong strain ng coronavirus disease sa United Kingdom, na pinaniniwalaang mas nakakahawa.

4. Oo, dahil ito ay mas makakabuti sa mga mag-aaral at mas magiging ligtas sila kung sa saruling bahay sila mag-aral dahil hindi pa sapat ang seguridad ngayon at mataas pa rin ang banta ng COVID-19.

5. Ako ay susunod sa mga health protocols at hindi ko susuwayin ang mga ipinatupad na batas gaya na lang na huwag lumabas at dapat ay magsuot ng face mask at face shield. huwag din dapat lalagpas sa curfew upang hindi mapahamak.