TUKLASIN Panuto: Basahin Ang Maikling Kwento Sa Ibaba At Sagutin Ang Kasunod Na…

TUKLASIN

Panuto: Basahin ang maikling kwento sa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong. Gamitin ang sagutang papel.

Angking Galing Jovylin Abueva Macawile Ang batang si Lito ay anak ng isang pamilyang may mga angking galing. Ang kanyang amang si Mang Leonardo ay magaling sa pagguhit. Lagi siyang kinukuha na magpinta ng mga mural sa mga paaralan, munisipyo, at simbahan sa kanilang lugar.

Si Aling Mila naman na kanyang ina ay isang guro sa musika. Taglay ni Aling Mila ang galing sa pagkanta at pagtugtog ng kahit na anong instrumentong pang- musika. Maliban sa pagiging guro, naibabahagi niya ang kanyang talento sa musika sa kanilang pamayanan sa pamamagitan ng pagbuo ng choir sa kanilang simbahan at barangay.

Ang nakakabatang kapatid naman ni Lito si Mara ay magaling sa pagsasayaw. Lagi siyang sumasali sa mga palatuntunan at paligsahan sa pagsayaw sa kanilang paaralan at maging sa barangay. Lahat sa kanyang pamilya ay may angking galing kaya sa palagay ni Lito ay siya lang ang natatanging walang galing. Isang umaga ay napatanong siya sa kanyang ina. “Nanay, ano po kaya ang aking talento?”, mapang-usisang tanong ni Lito. “Si Tatay magaling sa pagguhit. Ikaw naman po sa pagkanta. Si Mara naman sa pagsayaw. Ako po parang hindi ako magaling sa kahit na ano.” “Anak, lahat tayo ay may angking galing. Tayong lahat ay biniyayaan ng ating Dakilang Lumikha ng mga natatanging galing. Hindi ibig sabihin na dahil hindi ka magaling gumuhit, kumanta o sumayaw ay wala ka ng talento o hindi ka magaling,” paliwanag ni Aling Mila.

See also  Paggalang Sa Karapatan Ng Bata​

“Tama ang Nanay mo, Lito,” sagot naman ni Mang Leonardo. “Di ba magaling ka sa paggawa ng kung ano-anong likha gamit lang ang mga bagay na patapon na? Diyan ka magaling, anak sa gawaing iyan. Ipagpatuloy mo lang iyan,” dagdag na sabi ng tatay niya. “Ang galing mo nga, Kuya gumawa ng mga laruan mula sa mga lata, tsinelas, at mga turnilyong wala ng gamit.” Sambit ni Mara. “Pagkamalikhain ang tawag diyan, mga anak. Ang tulad mo, Lito na may kakayahang makaisip o makabuo ng nga ideya at bagay na mapapakinabangan pa ay isang talento.

Ibig sabihin din niyan ay malawak ang iyong imahinasyon. Magtiwala ka lang sa iyong sarili at mapapaunlad mo pa ang iyong talento,” paliwanag ng kanilang ina. “Salamat po sa paniniwala ninyo na mayroon akong talento. Ngayon po ay alam ko na ang aking angking galing na aking pagtutuonan ng pansin,” ang tugon ni Lito. “Tama iyan, Lito. Iyang galing mong iyan ang iyong pagtuonan ng pansin at tiyak na ikaw ay mas lalo pang gagaling,” payo ng kanyang ina. “Sa susunod na linggo, Kuya, may paligsahan sa paggawa ng Scrap Art sa paaralan nabasa ko sa bulletin board. Sumali ka kaya, Kuya. Siguradong mananalo ka,” masiglang sabi ni Mara. “Sige, Lito, sumali ka sa paligsahang iyan nang mapagtibay mo pa ang iyong angking galing,” payo ni Mang Leonardo. “Opo, sasali po ako. Bukas na bukas po ay magpapalista ako,” magalang tugon ni Lito. Sumali si Lito sa Scrap Art Contest sa kanilang paaralan at siya ang nakatanggap ng unang gantimpala. Siya rin ang magiging kinatawan ng kanilang paaralan sa paligsahang pandistrito sa paggawa ng scrap art.

See also  Itala Ang Natuklasan Sa Resulta Ng Gawain. Maaring Sundin Ang Halimbawa Sa...

“Nanalo po ako! Napatunayan ko pong may angking galing ako. Ngayon pong alam ko na kung saan ako magaling, pagbubutihan ko pa,” masayang sabi ni Lito. “Iyan ang tama, anak. Ipagpatuloy mo iyan,” sagot ng kanyang ina. Tuwang-tuwa ang lahat at nagkaisang ipagpapatuloy na pagbubutihin ang kanilang mga angking galing.

Sagutin ang mga katanungan sa sagutang papel.

1. Bakit inakala ni Lito na wala siyang talento?

2. Ano-ano ang talentong angkin ng mag-anak?

3. Ano ang sinalihan ni Lito na nagpatunay sa
kanya na mayroon siyang natatanging galing?

4. Anong aral ang natutuhan mo sa kwento?

5. Ikaw, anong talento ang taglay mo? ​

Answer:

1.) Sapagkat nakikita niya ang boung pamilya na na may kanya kanyang talento at siya ay wala talento sapagkat hindi pa niya nalalaman ito.

2.) Mag guhit, musika, sumayaw

3.) Ang Ascrap art contest sa kanilang paaralan

4.) Ang aral na natutuhan ko ay wag mong ibaba ang sarili, Dahil sa mga nakikita mo sa iba, lagi mong tatandaan na mayroon ka na hindi kayang gawin ng iba, at pagyamanin mo ito pagkat biyaya yan ng diyos sa iyo.

5.) Halimbawa:

1.Kumanta

2.mabilis mag basa at mag sagot

3.sumayaw

4.mga laro

5.mag magic

TUKLASIN Panuto: Basahin Ang Maikling Kwento Sa Ibaba At Sagutin Ang Kasunod Na…

aking kwento aklat

Ang aking maikling kwento. Kwento sa paulit na sinabi ng iyong magulang. Ang aking pamilya.docx

Isang Larawan Ng Pamilya : Sa post na ibinahagi ng netizen na si cey

pamilya isang masaya larawan ang edukasyon l7 maliit saan

Araling panlipunan ang kwento ng aking pamilya quiz quizizz. Isang larawan ng pamilya : sa post na ibinahagi ng netizen na si cey. Maikling kwento ang aking tungkol pamilya ng talambuhay masayang tagalog sanaysay akda philippin

See also  Panuto: Punan Ng Tamang Datos Ang Bawat Kolum Kahalagahan Ng...

Isang Ina Para Buhayin Ang Pamilya Kinaya Ang Mag Trabaho Bilang

Maikling kwento ang aking tungkol pamilya ng talambuhay masayang tagalog sanaysay akda philippin. Tungkol pamilya kwento maikling introduksyon sanaysay tagalog aking kahirapan edukasyon pangarap. Pamilya isang masaya larawan ang edukasyon l7 maliit saan

Ang Aking Pamilya Tula 3 Saknong

Pamilya aking. Maikling kwento. Tungkol pamilya kwento maikling introduksyon sanaysay tagalog aking kahirapan edukasyon pangarap

Ang Pamayanan At Ang Aking Pamilya Maikling Kwento

ng pamilyang pamilya aking pamayanan larawan edukasyon kwento maikling q2 q1

Pamilya ang aking slideshare. Kwentong tungkol sa pamilya. Story time part 1 / ang aking aklat ng mga kwento sa bibliya

"Ang Aking Pamilya" Booklet - Samut-samot

pamilya aking ang booklet

Isang ina para buhayin ang pamilya kinaya ang mag trabaho bilang. Tungkol kwento maikling sanaysay pamilya ang halimbawa aking tula talambuhay talumpati paaralan pangarap kwentong buhay pag kaibigan pormal ibang kahulugan. Pamilya ng aking kwento