Tiyakin Ang Mga Pangyayari Sa Kabanata 11-20 Sa Noli Me Tangere Na Maaaring M…

Tiyakin ang mga pangyayari sa kabanata 11-20 sa Noli Me Tangere na maaaring maiuugnay sa kasalukuyan ng ating lipunan.

Halimbawa ng mga pangyayari sa aka na Noli Me Tangere na
nangyari pa rin sa kasalukuyan ay ang mga sumusunod:
1. Ginagawang pamemersonal ng ibang tao sa kapwa nila pagdating
sa usapang pampulitikal.
Ang sitwasyong ito ay nangyari sa Kabanata 20: Ang Pulong sa
Tribunal. Ito ay ang problema at iniisip ni Don Filipo kaya sumanggi
siya kay Pilosopo Tasyo kung saan binanggit ni Pilosopo Tasyo na
hindi makikinig ang mga kalaban ni Don Filipo sa kanila dahil galit ang
mga ito sa kanila.
Sa kasalukuyan, ito ay nangyayari pa rin kung saan kitang-kita ito sa
mga pulitiko. Kahit maganda ang ideya ng isa, hindi siya pakikinggan
ng mga may galit sa kanya at kung minsan pa ay magkakampihan
ang mga kalaban niya para siya ay pabagsakin. At dahil dito, hindi
siya nabigyan ng tsansa para patunayan ang kanyang sarili.
2. Pagkakaroon ng lihim na kaaway kahit ikaw ay gumagawa ng
mabuti.
Nabanggit sa ilang mga kabanata sa Noli Me Tangere na si Ibarra ay
nagpagawa ng gusali sa San Diego. May iba pa siyang mga nagawa na
mabuti ngunit siya pa rin ay may mga lihim na kaaway. At ito ay
ipinaalam sa kana ni Elias sa Kabanata 33: Malayang Kaisipan kung
saan sinabi ni Elias kay Ibarra na mag-ingat ang binata sapagkat
marami siyang lihim na kaaway.
Sa kasalukuyan, ito ay mapapansin sa kahit sinuman. Lahat tayo ay
maaaring may lihim na kaaway o may mga taong ayaw sa atin kahit
tayo ay gumagawa ng mabuti. Ito ay mahirap maiwasan sapagkat
sadyang iba-iba ang pagtingin ng tao sa ginagawa natin. Maaring sang-
ayon sila at maaring hindi.

See also  Anong Uri Ng Tula Ang Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa A.Malayang Taludturan B.Tradis...