Title: Utos Na Face-to-face Classes Sa 2021 Binawi Ni Dutert…

Title:

Utos na face-to-face classes sa 2021 binawi ni Duterte
Dennis Gasgonia, ABS-CBN News- Disyembre 26, 2020- 8:17pm

MAYNILA – Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na

magkaroon ng face-to-face classes pagdating ng taong 2021.

Plano sana itong gawin sa mga paaralan sa lugar na may mababang

banta ng pagkalat ng coronavirus.

“I will not allow face-to-face classes of children until we are through

with this… The nature of the germ we are confronting,” ani Duterte sa isang

meeting.

Naghahanda na sana para sa dry run ang Department of

Education. Pero giit ni Duterte, may pangambang posibleng kaharapin ang

mga kabataan na papapasukin sa mga paaralan sa susunod na taon.

“I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec.

Briones of the Education Department to suspend everything, all activities of

children especially face-to-face classes,” ani Duterte.

Iniutos ito ni Duterte matapos matuklasan ang bagong strain ng

coronavirus disease sa United Kingdom, na pinaniniwalaang mas

nakakahawa. Matatandaang sa bahay nag-aaral ngayon ang mga kabataan,

sa pamamagitan ng modular o kaya online learning para mapigilan ang

pagkalat ng coronavirus.

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang balita.

1. Ayon sa balita, anong kautusang para sa 2021 ang binawi ni Pangulong

Duterte?

_______________________________________________________________

2. Saang mga lugar dapat ipatutupad ang pagkakaroon ng face-to-classes?

_______________________________________________________________

3. Bakit iniutos ni Pangulong Duterte na kanselahin ang pagkakaroon ng

face- to-face classes sa mga piling lugar?

_______________________________________________________________

4. Kung ikaw ang pangulo, sang-ayon ba sa ginawang desisyon ni

Pangulong Duterte? Bakit ?

See also  Sa Kalagayan Ngayon Ng Bansa Ang May Pinuno Pa Kaya Ang Maitulong...

_______________________________________________________________

5. Bilang isang mag- aaral, paano ka makatutulong sa patuloy na

pagpapatupad ng bagong normal na pag- aaral sa bagong sistema ng

edukasyon ?

_______________________________________________________________

Answer:

1. Magkaroon ng face-to-face classes

2. sa lugar na may mababang banta ng pagkalat ng coronavirus

3. Dahil sa coronavirus

4. Opo, upang mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit

5. Hindi lalabas ng bahay at mag aaral ng mabuti

Explanation:

That’s my answer!