Tayahin PANUTO: Basahin At Isulat Ang Letra Ng Tamang Sagot. 1. Isa Sa S…

Tayahin

PANUTO: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Isa sa sukatan ng pag-unlad ng mga bansa ang dami ng taong may kakayahang

bumasa, sumulat at umunawa. Anong konsepto ang tumutukoy sa bahagdan ng

marunong bumasa at sumulat sa isang bansa?

A. Employment Rate C. Literacy Rate

B. Life Expectancy D.Unemployment
Rate

2. Bakit mahalaga ang edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ang paraan upang umangat magisa
B. Ito ang susi upang umunlad ang ekonomiya ng bansa
C. Ito ang paraan upang malaman ng mga nagaganap sa pamahalaan
D. Ito ang nagbibigay ng oportunidad upang makapagtrabaho sa ibang bansa

3. Sa iyong palagay, paano nakaapekto sa pag-unlad ng bansa ang pagkakaroon ng mataas na literacy rate?
A. Walang kaugnayan ang pag-unlad ng bansa sa pagkakaroon ng mataas na literacy rate
B. Ang isang bansang may mga mamamayang may sapat na karunungan ay madaling makaaahon sa kahirapan dahil sila ang susi sa pag-unlad ng bayan
C. Ang isang bansang maunlad ay may kakayahang magbigay ng sapat na edukasyon sa kanyang mamamayan upang mapaunlad nila ang kanilang mga sarili
D. Ang isang bansang may mga mamamayang may sapat na karunungan ay madaling makaaahon sa kahirapan dahil sila ay madaling makahahanap ng trabaho sa ibang bansa

4. Kung ang Japan at South Korea ay nagtala ng 100% na Literacy Rate, ang Afghanistan naman ay nagtala ng 38.2% Literacy Rate. Gayudin ang Pakistan na nagtala ng 56.4% Literacy Rate. Bakit kaya napakababa ng literacy rate ng dalawang bansang nabanggit?
A. Ang bansang Afghanistan at Pakistan ay mahihirap na bansa kung kaya’t hindi nila napagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng sapat na edukasyon sa kanilang mga mamamayan
B. Ang bansang Afghanistan at Pakistan ay mayayamang bansa kung kaya’t hindi na kailangan pang mag-aaral ng mga mamamayan nito
C. Ang bansang Afghanistan ay mayaman ngunit ang bansang Pakistan ay mahirap ngunit pareho silang hindi minamahalaga ang edukasyon
D. Ang bansang Afghanistan ay mahirap na bansa samantalang ang Pakistan ay mayaman ngunit hindi nila prayoridad ang edukasyon ng kanilang mga mamamayan

See also  Repleksyon Tungkol Sa Economiya

5. Bakit nagaganap ang migrasyon ng mga Asyano sa ibang bansa?
A. Upang makapunta sa mga magagandang lugar pasyalan
B. Upang humanap ng trabahong makapagbibigay ng higit na malaking kita
C. Upang humanap ng mas magandang lugar na matitirhan ng buong pamilya
D. Upang humanap ng mahuhusay na ospital na makapagbibigay lunas sa malulubhang karamdaman

6. Ang paglipat ng tao mula sa lalawigan patungong lungsod ay nagbubunga ng urbanisasyon. Ito ay isa ring malaking hamon sa kasalukuyang panahon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa masamang epektong idinudulot ng labis na urbanisasyon?
A. deforestation
C. problema sa solid waste
B. pagkalat ng mga sakit
D, kakulangan sa pabahay

7. Sa paanong paraan nakaapekto ang pandemyang Covid19 sa ekonomiya ng mga Asyano?
A. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at unti-unting bumabagsak ang ekonomiya ng mga bansa
B. Marami ang natakot at nanatili na lamang sa bahay habang hinihintay na mawala ang pandemya
C. Maraming paaralan ang nagsara at magsasagawa na lamang ng online class upang hindi mahawa ang mga kabataan.
D. Maraming hindi makapunta sa iba’t ibang magagandang lugar sa Asya na bumubuhay sa ekonomiya ng kanilang bansa

8. Bilang isang Pilipino, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang makabangon ang ekonomiya mula sa pandemya?
A. Magsagawa ng online selling
B. Tumulong sa mga frontliners na doctor at nars.
C. Sumunod sa batas ng pamahalaan na bawal lumabas upang hindi kumalat ang sakit
D. Tangkilikin ang mga produktong Pinoy at mga negosyong pinatatakbo ng mga Pilipino na unti-unting nagbubukas

See also  Slogan Tungkol Sa Mapanagutang Prodyuser

9. Kung ikaw ang pinuno ng OWWA, alin sa mga sumusunod ang iyong unang gagawin sa mga Overseas Filipino Workers na umuuwi mula sa ibang bansa dahil mawalan ng trabaho dahil sa pandemya?
A. Magsasagawa ng Rapid Test at iquarantine
B. Bibigyan ng ayuda tulad ng bigas at de latang pagkain
C. Bibigyan ng tulong pinansyal upang makauwi sa kanilang pamilya at makapagsimula ng munting negosyo
D. Magsasagawa ng PCR mass testing upang malaman kung sino ang may sakit at dapat na magpagaling muna bago sila payagang umuwi sa kanilang pamilya at bigyan ng tulong pinansyal para sa munting negosyo.

10. Bakit nararapat pag-aralan ang antas ng kabuhayan at kahirapan ng mga bansang Asyano?
A. Upang makasunod sa ipinatutupad ng DepEd
B. Upang makapagpamalas ng paghanga sa mga bansang Asyanong umunlad.
C. Upang maisa-isa ang mga bansang Asyano batay sa kategoryang kinabibilangan nito
D. Upang ang mga mahihirap na bansa ay magkaroon ng modelong magagaya sa pag-unlad.​

Answer:

  1. C.
  2. D.
  3. A
  4. C.
  5. A.
  6. A.
  7. B.
  8. D.
  9. D.
  10. C.

Explanation:

pa brainliest po stay safe

Explanation:

1.C

2.D

3.A

4.C

5.A

6.A

7.B

8.D

9.D

10.C