Sulat Ng Sanaysay Gamit Ang Wikang Katutubo Hinggil Sa Karan…

sulat ng sanaysay gamit ang wikang katutubo hinggil sa karanasan ng mamayang sumasalamin sa pagkakaisa tungo sa maunlad na pilipinas​

Answer:

Ang tema ng Buwan ng Wika 2022 ay indikasyon ng patuloy na pagbabantayog ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mandato nitóng nasasaad sa RA 7104, Section 14 (h) na nag-aatas sa KWF na “magsagawa sa mga antas na pambansa, rehiyonal, at lokal ng mga pagdinig pampubliko, kumperensiya, seminar, at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.”

Patunay rin ang tema ng BnW 2022 ng matalik na komitment at pakikiisa ng KWF sa 2022—2032 International Decade on Indigenous Languages ng UNESCO na ang pangunahing lunggati ay itaguyod ang karapatan ng Mámamayáng Katutubo sa malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon, at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanán gámit ang katutubong wika bílang pangunahing kahingian sa pagpapanatiling buháy ng mga wikang pamana na ang karamihan ay nanganganib nang maglaho.

Pakikiisa rin ito ng KWF sa nagkakaisang panawagan sa likod ng sumusunod na pandaigdigang selebrasyon sa taguyod ng UNESCO: 2022 International Year of Basic Sciences for Sustainable Development; 2022 International Year of Artisanal Fisheries and Agriculture (IYAFA 2022); at 2022 International Year of Sustainable Mountain Development.

Hinggil sa 2022 International Year of Basic Sciences for Sustainable Development

Ang tema ng BnW 2022 ay pagkilala sa hindi matatawarang halaga ng basic science research na malimit tukuying pundamental o batayang saliksik na nagsisilbing pundasyon ng kaalamang inilalapat sa applied science. Hindi mapabubulaanan na lahat ng mga dakilang tuklas na bumago sa kasaysayan at paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay nagmula sa payak na siyensiya (basic sciences). Ayon nga sa kasabihan todays science will be tomorrows technology. Katulad ng wika, ang teknolohiya ay hindi nabubuhay sa vacuum dahil bawat mumunting tuklas ay daan lámang sa pag-usbong ng higit pang dakilang imbensiyon na sa kalauna’y bumabago sa kaligiran ng pamumuhay ng mga tao saan mang sulok ng mundo. Samakatwid, ang pagsasantabi o hindi pagsasaalang-alang sa payak na siyensiya ang maituturing na dahilan kung bakit maraming komunidad o bansa sa mundo ang nananatiling lugmok sa kahirapan. Hindi kailan man uusad ang teknolohiya nang walang pagbibigay-priyoridad sa payak na siyensiya na siyang panulukan o gulugod ng institusyonalisasyon ng pananaliksik at pag-unlad (research and development) na mahalaga sa pag-uswag ng anumang industriya.

See also  Gawain I Panuto: Isulat Ang S Kung Ang May Salungguhit Ay Tumutukoy Ng Sanhi. Isulat Ang B...

Sulat Ng Sanaysay Gamit Ang Wikang Katutubo Hinggil Sa Karan…

katutubo wikang bansang isang tungo

Ng katutubo wikang wika pagdiriwang buwan isang kasuotang pilipino parada kasaysayan bansang tungo mga dahil kanilang masaya natatanging tondo buhay. Poster making wikang katutubo tungo sa bansang filipino buwan ng. Katutubo wikang psba filipino tungo bansang isang philippine

Filipino Literature from Filipino Youth

wika buwan filipino week pambansa mindoro pola andrei ahron leon

Tungo katutubo pilipinas bansang wikang isang. Poster making buwan ng wika 2019. Pin on poster making contest ideas

Philippine School of Business Administration, Manila Ipagdiriwang ng

katutubo wikang psba filipino tungo bansang isang philippine

Poster making buwan ng wika 2019 theme wikang katutubo tungo sa isang. Sa filipino wikang katutubo slogans bansang isang tungo list. Philippine school of business administration, manila ipagdiriwang ng