Simpleng Tula Na Mayroong Dalawang Saknong Hinggil Sa Pagpapaunlad Ng A…

Simpleng Tula na mayroong dalawang saknong hinggil sa pagpapaunlad ng ating mga likas na yaman?

Answer:

“Pagyamanin at Paunlarin Natin”

Ating likas na yaman

tayo ay kinakailangan

magtulungan upang maagapan

ang naghihingalong likas na yaman.

Puno’y itanim

katubiga’y linisin

hangi’y pabangohin

kalikasan nati’y sagipin at paunlarin.

Explanation:

Ang tula ay isang halimbawa ng malikhaing pagsulat. Lubhang matalinghaga ang kahulugan at ang mga salita ay may malalalim ang kahulugan. May maraming mga kalse ang tula. May mga tula na may tugma at may mga tula na walang tugma.

Ang tula sa ibabaw ay may dalawang saknong. May malayang taludturan. Ngunit mapapansin ang tula ay may tugma. Ang rhyme scheme ay A-A-A-A B-B-B-B.

Ang tema naman ay umiikot sa pagsagip at pagpapaunlad ng kalikasan na lubha ng nasisira dahil sa kapabayaan ng tao. Ang kalupaan ay wala ng punong kahoy, ang katubigan ay puno ng basura at ang hangin ay sobrang dumi na. Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga bagay na ito. Kaya sa tula makikita ang pag engganyo sa mga tao sa pagtanim ng punong-kahoy at paglinis ng tubig at hangin upang maligtas at mapayaman ang likas na yaman.

——–

Ano ang tula? Basahin dito:

https://brainly.ph/question/410057

See also  Sa Paanong Paraan Matutukoy Ang Lokasyon Ng Isang Lugar?