Si Paco, Natutong Tumupad Sa Pangako Ang Magkaibigan Na Sina Paco At Pinky Ay Malapit Sa…

Si Paco, Natutong Tumupad sa Pangako

Ang magkaibigan na sina Paco at Pinky ay malapit sa isa’t-isa. Si Paco ay nasa ikaanim na baitang at si Pinky naman ay nasa ikalimang baitang. Isang araw ay humingi ng tulong si Pinky kay Paco sa kaniyang proyekto sa online class.

“Kuya Paco, maaari n’yo po ba akong tulungan sa aking proyekto sa asignaturang matematika? Alam kong mahusay ka dito at nahihirapan po kasi ako.”

Tugon ni Paco, “Aba, syempre naman Pinky, tutulungan kita diyan sa iyong proyekto bukas. Tatapusin ko lamang ang aking takdang aralin sa online class.”

Tuwang-tuwa si Pinky sa sagot ng kaniyang kaibigan na si Paco, kung kaya’t naging abala na lamang siya sa iba pa niyang takdang aralin sa online class. Kinabukasan hinintay ni Pinky ang pagtupad ni Paco sa kaniyang pangako. Ngunit ito ay nakalimutan ni Paco. Naging abala siya sa paglalaro ng mobile games. Lumipas ang maghapon, hindi natupad ni Paco ang kaniyang pangako sa kaibigan. Kung kaya’t si Pinky ay nalungkot.

“Pinky, naging abala ako sa paglalaro at nakalimutan kong tulungan ka sa iyong proyekto sa matematika.” Paliwanag ni Paco sa kaibigan.

Hindi sumasagot si Pinky kay Paco at nanatili itong tahimik. Hindi malaman ni Paco kung ano ang kaniyang gagawin dahil nakita niyang masama ang loob ni Pinky sa kaniya at hindi siya kinikibo nito. Kung kaya’t nag-video call si Paco sa kaniyang Nanay na isang Overseas Filipino Worker (OFW) upang humingi ng payo.

“Inay, ano pong dapat kong gawin? Hindi po ako kinikibo ni Pinky dahil hindi ko po siya natulungan sa kaniyang proyekto sa online class,” ang sumbong ni Paco sa kanyang nanay.

See also  Anong Iniisip Sa "Ang Kaalaman Ay Kapangyarihan" ​

“Paco, tapatin mo nga ako, nangako ka ba kay Pinky na tutulungan mo siya?” tanong ng kaniyang ina.

“Opo inay, nangako po ako sa kaniya ngunit nakalimutan ko po itong gawin dahil naglaro po ako ng mobile games,” tugon ni Paco.

“Anak, anoman ang mangyari, dapat ay marunong kang tumupad sa iyong pangako lalo na sa iyong kaibigan. Ang isa sa paraan upang mapanatili ang mabuting pagkakaibigan ay ang pagkakaroon ng isang salita,” pangaral ng kanyang nanay.

“Tandaan mo, ang pangako ay hindi dapat napapako. At ang pagtupad dito ay nagpapakita na ikaw ay isang responsable at tapat na bata. Ngayon dahil nabigo kang tuparin ang pangako mo, humingi ka ng paumanhin sa iyong kaibigan at tulungan mo siya sa kaniyang mga proyekto sa online class. At isa pa, magkaroon ka ng disiplina sa paglalaro ng mobile games. Limitahan mo ang oras ng paglalaro at huwag mong sayangin ang oras mo dito. Gumawa ka ng mas kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pagtulong mo sa iyong kaibigan,” patuloy ng nanay.

Matapos ang videocall ay agad pumunta si Paco sa kaniyang kaibigan upang humingi ng paumanhin

Pinky, pasensiya ka na at di ko natupad ang pangako ko. Kung maaari sana ay mapatawad mo ako at nais ko sanang matulungan ka at bumawi sa iyong proyekto,” paliwanag ni Paco sa kaibigan.

“Kuya Paco, hindi kita kinikibo dahil nasaktan ang damdamin ko sa paglimot mo sa pangako mo. Huwag mo ng uulitin iyon ah,” tugon ni Pinky.

“Salamat Pinky at binigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para makabawi sa iyo. Natutunan ko na napakahalaga na tumupad at maging tapat sa pangakong binitiwan. Magiging responsable na ako simula ngayon at babawasan ko na ang oras ko sa mobile games. Pangako iyan kaibigan.” pangako ni Paco kay Pinky.

See also  Karanasan Isinulat Nk Christia Mae P. Iso Maliit Pa Lamang Si Kara Ay Marami Na Itong Pang...

Mula nga sa araw na iyon ay nagsimulang magbago si Paco. Nag-aaral na siya at itinigil niya ang paglalaro ng mobile games.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa binasang kwento ni Paco at Pinky. Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga tanong. (Ipapasa sa iyong guro ang mga kasagutan)

1. Bakit mahalaga ang pagiging mapanagutan sa pangakong binitawan?

2. Ano ano ang mga kilos o gawain na nagpapakita ng pagiging responsable?

3. Ano ano ang mga hakbang upang mapanatili ang pagiging responsable?

4. Paano tayo naaapektuhan ng mga di-mabuting dulot ng pagiging iresponsable?

5. Ano ang mga dapat gawin kung ikaw ay di makatupad sa iyong ipinangako?

6. Naging iresponsable ba si Paco? Ipaliwanag.

7. Tama ba na sumama ang loob ni Pinky kay Paco? Ipaliwanag.

8. Ano ang naging epekto ng pagiging iresponsable ni Paco?

9. Bakit mahalaga na ikaw ay marunong humingi ng tawad sa tuwing hindi mo natutupad ang iyong ipinangako?

10. Ano ang iyong natutunan mula sa kuwento ni Paco at Pinky?

Answer:

1.Upang hindi ka kagalitan ng iyong pinangakuan

Explanation: