Sariling Pananaw Sa Sa Alibughang Anak
sariling pananaw sa sa alibughang anak
Answer:
Sa aking sariling pananaw, ang kwento ng Ang Alibughang Anak ay nagpapakita ng isang senaryo na nangyayari din sa totoong buhay. May mga anak na sadyang pinipili ang maling landas sa kabila ng magandang pamumuhay sa piling ng kanilang mga magulang.
Ang kwento ng Ang Alibughang Anak ay nagpapakita na kahit tinalikuran mo ang iyong mga magulang, sa oras na sila ay iyong balikan at kinailangan, hinding hindi ka nila matitiis sapagkat ikaw ay kanilang minamahal.
Explanation:
Ang kwentong Ang Alibughang Anak ay isang parabula na isinaysay ng ating Panginoong Hesus sa kaniyang mga apostol upang ipakita kung gaano tayo iniibig ng Ama. Na bagaman tinalikuran natin ang Diyos, subalit sa oras na tayo ay manumbalik, tayo ay muling tatanggapin at patatawarin. Ito ay nagpapakita ng kabutihan ng ating Diyos at ang Kaniyang likas na mapagpatawad.