Saliksik Sa Internet. Paano Gawin Ang Online Class?​

saliksik sa internet. Paano gawin ang online class?​

Answer:

Online class, Paano ba ito ginagawa?

Ito ay isang plataporma kung saan dito dinadaos ang klase sa pamamagitan ng paggamit ng Internet. Maaaring gamitin ang iyong laptop o kaya naman smart phone dito. Isa pa, upang makapasok dito kailangan mong pumunta sa isang application or software upang dito maitanghal ang klase. At ito ay nakadepende sa programa ito o kaya sa tatag ng koneksyon upang maunawaan ang aralin sa tulong ng guro.  

Malaki ang pagbabago ngayong panahon natin dahil sa teknolohiya. Kung saan, nakaambag ito upang makapagpatuloy parin ang pag-aaral ng maraming estudyante. Sa mga online class na ito, kitang kita ang kaibahan nito sa pagpasok sa mga eskuwelahan dahil maaari na itong maganap mismo sa loob ng iyong tahanan.

Matindi ang naging hamon nito sa buhay ng maraming estudyante. Ito ay pagbabago may kaugnayan sa pagkakaroon ng interaksyon, sigla, pokus at kooperasyon ng mga bata. Pero sa kabila nito, may paraan ang ilan para sa komunikasyon at ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang mga application online at social media nang sa gayon ay magkausap ang magkakaklase at maging ang mga guro nila.  

Ano naman ang tinatawag na Online classroom?

Ito ay paraan upang makasama ng mga guro ang mga estudyante na parang nagkaklase sila. Ang istraktura nito ay paglolog-in sa isang sistema o portal at pagkatapos maaari na nila makita o ma-access ang kailangan nila upang makasubaysubay sa aralin sa online class. At maraming mga application ang puwedeng madownload ng mga estudyante depende sa sinabi ng guro.  

See also  1. Sumulat Ng 20 Halimbawa Ng Sawikain At Isulat Ang Kahulugan Nito.​

Kaya sa kasalukuyang panahon, lakipan ng sipag at tiyaga nang sa gayon ay makaraos sa online class. Gawin ang buong makakaya at isipin na ito ay para sa iyong magandang kinabukasan.  

Explanation: