Patulong Naman Kahit Simpleng Tula Lang​

Patulong naman kahit simpleng tula lang​

Answer:

Lahing Kayumanggi

Huwag muna, Rizal, huwag muna!

Huwag ka munang lubusang humimbing

Kailangang-kailangan ka pa namin;

Lubhang marami pang dapat gawin,

Napakalawak pa ang dagat na dapat languyin,

Marami pang kabundukang dapat bagtasin,

Kayrami pang hirap na kailangang tiisin!

at krus na dapat naming pasanin,

na di namin halos kayang balikatin.

Kundanga’y lumambot ang aming mga paypay,

Lubos na humina ang mga litid nami’t laman;

Lumuyloy ang aming mga katawan

Sa tamis ng mga layaw sa buhay

na ipinadama ng mapagkupkop na dayuhan.

Huwag ka munang tuluyang mamahinga!

Huwag muna, Rizal huwag muna:

Ang ating baya’y nangangailangan pa

ng dugo ng kabataan – dugo ng kabataang ang kapara

ay dugo mong inialay sa bayan mong sinta

sa ngalang dakila ng laya’t ligaya

at sa dambana ng kasarinlan ay tinalaga!

Hindi lamang, ikaw, Rizal,

kundi lahat ng bayaning matatapang,

ang mga martir ng ating bayan!

Bumangon kayo! Bangon at muling maglakbay

sa ating lupaing nanlulupaypay,

Ibuhos na muli ang dugong laging nakalaan!

Bahiran ng mapula niyong kulay

ang aming mga ugat na nangangalirang.

Mapahalo man lamang

sa dugo namin ang inyong kabayanihan

at walang kasintigas na paninindigan

nang sa gayo’y mapaukit sa dambana ng kalayaan

ang inyong mga pangarap na busilak at dalisay!

Explanation:

See also  Ito Ay Mga Salita O Kataga Na Nag-uugnay Sa Dalawang Salita, Sugnay, Parirala...