Panuto 1: Sabihin Ang Paksa Ng Bawat Sanaysay Na Babasahin….

Panuto 1: Sabihin ang paksa ng bawat sanaysay na
babasahin.
1. Batay sa datos ng pamahalaan, hindi lahat ng bata
ay nakakapag-aral. Karamihan sa kanila ay napipilitang
magbanat ng buto sa murang edad nila dahil sa
kahirapan. Sila ay pinahihinto sa pag-aaral dahil
uunahin na muna ang kanilang kakainin sa araw-araw.
Ngunit may ilan na ginagamit na instrumento ang
kahirapan upang may marating sa buhay.
Paksa:
2. Ayon sa matatanda, ang edukasyon ay isang
kayamanan na hindi mananakaw ninuman. Kailangan
nating magsikap makapag-aral upang tayo ay
magkaroon ng maayos na buhay. May libreng
edukasyon na ipinatutupad an gating pamahalaan
kaya magsumikap ayon sa kakayahan.
Paksa:
3. Kahit bata pa lang ako ay marami na akong
pangarap. Pangarap kong makapagtapos ng pag-
aaral, maging isang guro at matulungan ang mga bata
na magkaroon ng kaalaman. Pangarap ko rin na
magsulat at makagawa ng mga libro at bigyan ng
maginhawang buhay ang aking pamilya.
Paksa:
4. Sa tuwing may salita akong hindi nalintindihan sa
kwentong binabasa ay ginagamit kong sanggunian
ang aking diksyunaryo. Napakalaking tulong nito sa
akin dahil lubos kong nauunawaan ang aking binabasa
at nadadagdagan ang aking kaalaman.
Paksa: __
5. Ang bata ay may mga karapatan. Karapatan niyang
islang at magkaroon ng pangalan, mahalin. alagaan
at protektahan. Karapatan niya ring makapag-aral,
bigyan ng maayos na tirahan at kasuotan at pakainin
ng masusustansyang pagkain.
Paksa:​

Answer:

1.Mga kabataang sa halip na nag aaral ay nag babanat na ng buto dahil sa kakapusan sa pangangailangan sa pang araw araw

2.Mag aral ng mabuti upabg maabot ang ating pangarap

See also  Problema Na Kinahaharap Ng Mga Chef? At Anong Ang Gagawin Mo Para...

3.Ang pangarap ng isang bata

4.Ang napakalaking tulong ng diksyunaryo sa isang mag aaral o magbabasa ng kwento

5.Ang mga karapatan o dapat na mayroon ang mga bata