Paniniwala NG Mga Pilipino Sa Kamatayan​

paniniwala NG mga pilipino sa kamatayan​

Answer:

MGA PANINIWALANG PINOY TUNGKOL SA KAMATAYAN

Bago pa man ang kolonyalismo sa Pilipinas, ang mga sinaunang Pilipino ay may konsepto na kamatayan at kabilang buhay. Ito ay halos walang pinagkaiba sa modernong konsepto ng afterlife na alam natin. Ayon sa paniniwala ng ating mga ninuno, ang kabilang buhay ay pagpapatuloy lamang ng ating earthly existence, in spirit form. Ang tanging nawawala lamang pagkatapos ng kamatayan ay ang ating pisikal na katawan.

*******

PANINIWALA NG ILANG PANGKAT-ETNIKO

Ang bawat pangkat-etniko sa bansa ay may kani-kanilang paniniwala tungkol sa kamatayan at kabilang buhay.

Ang mga Sulod na nakatira sa kabundukang bahagi ng Panay Island ay naniniwala na ang haba ng buhay at paraan ng kamatayan ng isang tao ay nakatadhana na bago pa man siya isilang. Bago bumaba ang isang espiritu sa lupa at isilang bilang bagong sanggol, siya ay nakikipagkasundo sa mga guardian spirits.

Ang mga katutubong Tinguians ng Abra Province ay naniniwala na ang kaluluwa ng mga yumao ay nananatili sa daigdig at patuloy lamang sa kanilang pamumuhay.

Ang mga Manobo ng Central Agusan, Western Mindanao ay may paniniwala na ang kaluluwa ng yumao ay napupunta sa lugar na tinatawag na Ibu. Sinasabing ang Ibu ay matatagpuan sa ilalim ng lupa. Ito ay kahawig ng mundong ating ginagalawan—may kabundukan, ilog, lawa, at lambak, tulad ng Agusan Valley.

Naniniwala ang mga Bagobo ng Davao na ang kaluluwa ay nanahati sa dalawang pangkat—isang mabuti at isang masama. Ang mabuting pangkat ng kaluluwa ay mapupunta sa kaluwalhatian, samantalang patuloy na magiging lagalag sa daigidig ang pangkat ng masasamang kaluluwa.

See also  Sukat Ng Balagtasan?​

*********

PAGKATAPOS NG KOLONYALISMO

Ang konsepto sa kamatayan at kabilang buhay ng mayorya ng mga Pilipino ay labis na naimpluwensiyahan ng kanluraning kultura dahil sa pagpasok ng Kristiyanismo. Gayumpaman, mababakas pa rin dito ang mga sinaunang paniniwalang Pilipino. Nabago man ang tema, pero ang orihinal na konsepto ay nananatili pa rin.

Narito ang iba’t ibang paniniwalang Pinoy tungkol sa kamatayan at kabilang buhay.

1. Ang buhay ay walang hanggan. Sa sandaling tayo ay mamatay, lilisanin ng ating kaluluwa (espiritu) ang ating katawang lupa upang maglakbay sa dako pa roon.

2. Ang kaluluwa o espiritu ng mga yumao ay patuloy na nagbabantay sa mga mahal nila sa buhay na naiwan sa daigdig.

3. Sa loob ng tatlong araw pagkatapos mamatay, ang kaluluwa ay nananatili sa tabi ng kaniyang walang buhay na katawan. Pagkatapos ng siyam na araw, ang kaluluwa ay magbabalik sa mga lugar na dati niyang napuntahan noong nabubuhay pa siya upang gunitain ang kaniyang nagdaang karanasan. Ang kaluluwa ay patuloy na maglalakbay sa daigdig hanggang sa ika-apatnapu’t isang araw.

4. Pagsapit ng ika-apatnapu’t isang araw nang kamatayan, ang kaluluwa ay aakyat sa purgatoryo upang hintayin roon ang kaniyang magiging hatol.

5. Ang ibang kaluluwa ay babalik sa daigdig o magri-reincarnate upang pagbayaran ang kaniyang mga karmic debt.

******

PAHULING SALITA

Kung mapapansin, magkakatulad lamang din ang konsepto ng pre-colonial at colonial Filipino tungkol sa kamatayan at kabilang buhay. Sa pangkalahatan, ang kamatayan ay ang paglisan ng kaluluwa sa kaniyang katawang-lupa upang maglakbay sa dako pa roon. Nagkaroon lamang ng ilang modification, pero ang tema at konsepto ay parehas lamang.

See also  Kahulugan Nang Lakbay Sanaysay​

Sa Science, ang kamatayan ay tiyak na hantungan ng lahat ng living things. Ngunit, ang pangyayari pagkatapos ng kamatayan ay wala pa ring scientific findings. Ang kamatayan ay nangangahulugan nang paghinto ng mga body systems at utak ng tao. Bagama’t ang ilang nakaranas ng tinatawag na near death experiences (NDE) ay nagsalaysay ng kanilang mga naging karanasan pagkatapos nilang lisanin ang kanilang katawang-lupa, ang mga iyon ay mananatiling hypothesis lamang. Ayon sa Science, sa oras na tayo ay ideklarang clinically dead, ang ating utak ay nananatiling gumagana ng ilang segundo, dahilan upang makaranas pa rin tayo ng tinatawag na hallucination o false memories. Maaaring ito lamang diumano ang nasaksihan ng mga taong nakaranas ng NDEs.

Tunay na mahiwaga ang ating buhay. Tila imposible pa sa ngayon na makakuha ng solidong katibayan na totoo ngang may isang specific o pisikal na lugar na pinupuntahan ang ating espiritu pagkatapos ng kamatayan, at kung totoo nga bang may espiritu o kaluluwa, per se. Samakatuwid, patuloy na kikilitiin ang curiosity at imahinasyon natin sa mga bagay na may kinalaman sa kamatayan at kabilang buhay.

de Leon

NEXTAngelite Gemstone: Pangtanggal ng Galit at iba pa »

PREVIOUS« Ang nakapagpapagaling na katangian ng Azurite

Leave a Comment

SHARE

PUBLISHED BY

de Leon

TAGS:

MGA PANINIWALANG PINOY TUNGKOL SA KAMATAYAN

1 YEAR AGO

RELATED POST

Iwasan ang Maging Palaaway

Chinese Horoscope, Nobyembre 8, 2020

Kaarawan Horoscope, Nobyembre 8, 2020