PANGHULING GAWAIN: Sumulat Ng Sariling Tula Tungkol Sa Pag-ibig S…
PANGHULING GAWAIN: Sumulat ng
sariling tula tungkol sa Pag-ibig sa Ina,
na may isang saknong at malayang
taludturan.
SALAMAT AKING INA
Sa’yong tiyan ako’y iyong inalagaan
Buhay mo ay nilagay sa alinlangan
Una kong salita’y inabangan
Unang hakbang ako’y inalalayan.
Ni sa lamok ay ayaw ipakagat
Todo asikaso kapag may lagnat
Karga-karga alintana aking bigat
Sa pagmamahal hindi ako sinalat.
Nang makitang ako’y lumuluha
Sabi mo’y buhay ‘di laging masaya
Ngunit hindi ako nag-iisa
Pagkat sa tabi ko’y nandyan ka.
Nang lumaki’y naging palasagot
Ikaw ay madalas nalilimot
Atensyon sa’yo ay pinagdamot
Kami pa’y nagtanim sa’yo ng poot.
Nang tumanda’y sinasabihang alagain
Dulot mo lang ay puro pasanin
Hindi ka man lang nagsalita laban samin
Sunukli mo pa ay kami’y mahalin.
Pagmamahal ay sa iba hinahanap
Nandyan lang pala sa aking harap
Nang maranasan iyong yakap
Sa puso ko’y nagdulot ng sarap.
Ngunit panahon ay di na sapat
Upang sabihin sa’yo ang lahat
Sa pagmamahal mong walang katapat
Ito ay aking pinagpapasalamat.
Kalungkutan pilit iniibsan
Nang aking masaksihan
Ang taong nagmahal sa’kin ng lubusan
Ngayo’y tuluyan na akong nilisan.
Halimbawa ng malayang taludturan na tula : tula tungkol sa kadakilaan. Ng tula ang tulang mga elemento pang hati. Mga paksa: tulang may malayang taludturan
tula tungkol pilipino halimbawa wikang filipino ina tagalog maikling tulang guro talata bayani rizal
Halimbawa ng tula. Tula na may apat na saknong at apat na taludtod at may tugma. Tulang pag ibig na may tugma
tula tradisyunal
Tula tungkol sa pag-ibig sa bayan na may malayang taludturan. Halimbawa ng tula na may anim na saknong at apat na taludtod. Sumulat ng isang tulang may malayang taludturan na binubuo ng apat na
Halimbawa ng tula na may anim na saknong at apat na taludtod. Tula pag ibig kapwa. Halimbawa ng malayang taludturan na tula : tula tungkol sa kadakilaan