PAKSA: Ang Mga Epekto Ng Pagkakaroon Ng Magulang Na OFW Sa Akademikong Kala…
PAKSA: Ang mga Epekto ng pagkakaroon ng magulang na OFW sa akademikong kalagayan ng mga estudyanteng ikalabing Isang baitang ng SHS. Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
OFW
Epekto ng pagkakaroon ng magulang na OFW sa pag-aaral ng anak
Kasagutan:
– Ang akronim na tinatawag na OFW ay tumutukoy sa mga Overseas Filipino Workers. Ang partikular na mga taong ito ay tumutukoy sa mga Pilipino na karaniwang mas pinipiling pumunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho o maging manggagawa dahil naniniwala silang doon sila kikita nang malaking salapi upang igapang ang buhay ng kanilang pamilya na maiiwan sa Pilipinas.
Maaari ring itong tumutukoy sa lahat ng mga Pilipino nagtatrabaho sa ibang bansa, ano man ang kanilang estado sa buhay at katayuan sa lipunan.
Maaaring epekto ng pagkakaroon ng magulang na OFW sa pag-aaral ng isang anak:
1. Hindi pagkakaroon ng matibay na motibasyon na mag-aral nang mabuti dahil walang gabay at patnubay ang anak sa kanyang mga aralin at gawain kapag siya ay nasa tahanan lalo na kung ito ay nasa murang gulang pa lamang.
2. Pagkakaroon nang hindi magandang ugali o pakikitungo sa kanyang mga kaklase dahil walang magulang na nag-didisiplina sa kanya habang lumalaki.
3. Pagliban o hindi pagpasok sa paaralan ng anak, dahil wala namang nagbabantay sa kanyang kilos at sa tingin niya wala namang magagalit sa kanyang ginagawa.
Tingnan ang link para sa kahulugan ng disiplina: https://brainly.ph/question/208088
#SPJ1