Paano Mo Maiuugnay Ang Pangyayari Sa Parabula Sa Mga Pangyayari Sa Kasalukuyan? Patun…
paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan? patunayan ang sagot.
Answer: Sa parabula na ito,maari nating maiugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Mapagtanto natin na tayo ay nakigamit lamang sa anuman ang mayroon tayo ngayon, lahat ng ito ay pagmamay-ari ng Diyos. Dapat tayo ay gagamit ayon sa direksyon ng ating dakilang Panginoon, at para sa kanyang karangalan.
Sumaryo ng Parabula
Sinayang ng Katiwala ang kalakal o ari-arian ng kaniyang Panginoon. Tulad ng tao, tayong lahat ay mananagot sa parehong bayad, ngunit wala tayong ginawa upang mapabuti ang mga ari-ariang ibinigay ng ating Maylalang sa atin.
Sa halip, nilulustay natin ang mga ito. “ Hindi maitatanggi ng katiwala ang kasalanang kanyang ginawa, dapat niya itong pagbayaran”. Ang ibig sabihin nito ay, ang kamatayan ay darating, na hahadlang sa pagkakataong pagbayaran ang mga kasalanang naggawa natin sa buhay.
May karapatan ang Amo o kung ako ang nasa kalagayan, na magtakda ng disiplina sa katiwala. Ito man ay humantong sa paglimita sa kaniya sa aking negosyo o di kaya ay pagtanggal na sa kaniya sa trabaho.
Maraming mga empleyado ang mayroong nakakatulad na personalidad sa lugar ng trabaho. Kadalasang ang problema sa kanila ay ang mga sumusunod:
1.May katamaran at ayaw mahirap sa gawain
2.Nakakadama ng pagkainggit sa iba pang mas may matataas na posisyon kung kaya nahihikayat na magnakaw
3.Hindi marunong sumunod sa mga alituntunin ng kompanya kung kaya nagkakaroon ng hindi inaasahang mga gastusin dahil sa kapabayaan.
Explanation: I hope it helps:)