Mong Gawin Ang Isa Pang Pagsasanay. Gawain 1.3 Pagsasanay Sa Kron…

mong gawin ang isa pang pagsasanay.

Gawain 1.3 Pagsasanay sa Kronolohikal na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari sa Teksto/Salaysay

A. Basahin ang teksto (talaarawan). Pagsunod sunurin ang mga pangyayaribatay sa binasa. Isulat ang A-E sa bawat patlang sa inyong sagutang papel.

Pagtulong ni Isabella

Miyerkoles, 12 Nobyembre 2020, ika-3 ng hapon

Tanghali na nang bumalik ang kuryente sa aming lugar kung kaya’t hapon na namin nalaman ang nangyari sa bansa matapos manalasa ang bagyong Ulysses. Labis akong nalungkot sa mga nakita kong imahen sa telebisyon. Marami palang naapektuhan sa bagyo lalong-lalo na ang mga nakatira sa Cagayan at Marikina. Kawawa naman sila. Tahimik akong umiyak para sa kanila.

Huwebes, 13 Nobyembre 2020, ika-8 ng umaga

Maaga kaming nakinig ng misa sa telebisyon ng aking pamilya. Tahimik kong

Modyul sa Filipino 5

Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo

6

7

ipinagdasal ang mga naging biktima ng kalamidad. Patuloy akong nalungkot para sa kanila.

Biyernes, 14 Nobyembre 2020, ika- 10 ng umaga

Seryosong tinalakay sa aming online class ng aming guro ang mga nangyaring trahedya sa Cagayan at sa Marikina. Maayos niyang naipaliwanag ang kanilang kalagayan at madali niyang nahikayat kung paano kami makatutulong. Mabilis na nagtakda ang aming paaralan ng lugar kung saan dadalhin ang aming mga donasyon. Sabado, 15 Nobyembre, ika- 9 ng gabi

Agad kong inilabas ang aking mga lumang damit na maayos pa ang kalagayan tulad ng kamiseta, pantalon, mga panloob, at mga laruan na matagal ko nang di nagagamit. Masaya ring tumulong ang aking mga ate at kuya upang makapagbigay sa mga nangangailangan. Tunay ngang masayang nakapagbibigay ka sa mga taong nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal.

See also  Ano Ang Ibig Sabihin Ng Nagbibilang Ng Poste?

1. Inihanda ni Isabella ang kaniyang pinaglumaang damit at laruan.

2. Ipinagdasal ng pamilya ni Isabella ang nangyaring trahedya sa Cagayan at Marikina.

3. Pinulong ng guro ang klase upang ihanda sila sa gawaing pagtulong ng paaralan.

4. Nalaman ni Isabella ang nangyaring trahedya.

5. Ipamamahagi ng klase ni Isabella ang kanilang mga naipong damit, laruan at iba pa sa mga nangangailangan.

Answer:

1.)d

2.)b

3.)c

4.)a

5.)e

Explanation:

Ganyan din po sagot ko

Po.