MODYUL 5 I- Panuto: Basahing Mabuti Ang Mga Kasunod Na Katanung…

MODYUL 5
i-
Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na katanungan. Piliin ang letra ng
pinakawastong sagot at isulat ito bago ang numero.
1. Isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela,
maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang gawa /uri ng panitikan.
A. Aksiyon Riserts
C. Pamanahong Papel
B. Disertasyon
D.Panunuring Pampanitikan
2. Ito’y isang akdang pampanitikang nagtataglay ng nakawiwiling pangyayari at
sumasalamin sa kultura ng isang lugar. Binubuo ito ng iba’t ibang mga kabanata.
A. Dula
C. Nobela
B. Maikling Kuwento D. Parabula
3. Anong katangian ang nangibabaw sa pangunahing tauhan habang hinihila niya ang
isda?
A. mabait B. mabuti C. matatag D. mapagpahalaga
4. Sa teoryang ito ipinakikita o mas lumulutang na ang naganap sa buhay ng tauhan at
mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili o pagpapasya.
A. Eksistensiyalismo C. Feminismo
B. Realismo
D. Marxismo
5. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi”, sabi niya “Maaaring wasakin ang isang
tao pero hindi siya magagapi”. Ang naturang pahayag ay nangangahulugang:
A. May pagsubok mang dumating, lilipas din
B. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
C. Kung may dilim, may liwanag ding masisilayan
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
6. Alin sa mga sumusunod na katangian ang HINDI ipinakita ni Santiago?
A. Hindi siya sumusuko sa buhay.
B. Sinukuan niya ang paghuli sa pating.
C. Matapang niyang hinarap ang hamon ng buhay.
D. Hindi siya naghihinakit sa mga taong naghuhusga sa kaniya.
7. Alin sa mga sumusunod na kalupitan ang naranasan ni Santiago?
A. Ang diskriminasyon sa kanilang lipunan.
B. Ang kawalang hustisya sa mga nagkasala
C. Ang panggigipit ng mga otoridad sa mga biktima
D. Ang pagmamalupit ng mga makapangyarihan sa mahihirap
8. Lumitaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang teoryang ito sapagkat
sinasalamin nito ang tunay na pangyayari sa lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at
ang matapat nitong paggagad sa lipunan.
A. Eksistensiyalismo C. Feminismo
B. Realismo
D. Marxismo
9. Ito ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan at ang istilo ng awtor o may-akda.
A. Panonood
C. Pakikinig
B. Pagbasa
D. Pagsusuri
10. Alin sa mga sumusunod na elemento ang makikita sa nobela na wala sa maikling
kuwento?
A. Tauhan
C. May Kabanata
B. Tagpuan
D. Tunggalian​

See also  Sumulat Ng Maikling Talata Tungkol Sa Bagyo​

Answer:

1. D

2. C

4. A

5. D

6. B

7. D

8. B

9. D

10. C – may kabanata

Explanation:

Sana makatulong