Mga Pangyayari Sa Kasalukuyan Na Maiuugnay O Maihahalintulad Ng El Filibusteri…

mga pangyayari sa kasalukuyan na maiuugnay o maihahalintulad ng el filibusterismo sa noli me tengere​

Answer:

Halimbawa ng mga pangyayari sa akda na Noli Me Tangere na nangyari pa rin sa kasalukuyan ay ang mga sumusunod:

1. Ginagawang pamemersonal ng ibang tao sa kapwa nila pagdating sa usapang pampulitikal.

Ang sitwasyong ito ay nangyari sa Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal. Ito ay ang problema at iniisip ni Don Filipo kaya sumanggi siya kay Pilosopo Tasyo kung saan binanggit ni Pilosopo Tasyo na hindi makikinig ang mga kalaban ni Don Filipo sa kanila dahil galit ang mga ito sa kanila.

Sa kasalukuyan, ito ay nangyayari pa rin kung saan kitang-kita ito sa mga pulitiko. Kahit maganda ang ideya ng isa, hindi siya pakikinggan ng mga may galit sa kanya at kung minsan pa ay magkakampihan ang mga kalaban niya para siya ay pabagsakin. At dahil dito, hindi siya nabigyan ng tsansa para patunayan ang kanyang sarili.

2. Pagkakaroon ng lihim na kaaway kahit ikaw ay gumagawa ng mabuti.

Nabanggit sa ilang mga kabanata sa Noli Me Tangere na si Ibarra ay nagpagawa ng gusali sa San Diego. May iba pa siyang mga nagawa na mabuti ngunit siya pa rin ay may mga lihim na kaaway. At ito ay ipinaalam sa kanya ni Elias sa Kabanata 33: Malayang Kaisipan kung saan sinabi ni Elias kay Ibarra na mag-ingat ang binata sapagkat marami siyang lihim na kaaway.

Sa kasalukuyan, ito ay mapapansin sa kahit sinuman. Lahat tayo ay maaaring may lihim na kaaway o may mga taong ayaw sa atin kahit tayo ay gumagawa ng mabuti. Ito ay mahirap maiwasan sapagkat sadyang iba-iba ang pagtingin ng tao sa ginagawa natin. Maaring sang-ayon sila at maaring hindi.

#CarryOnLearning

See also  Kalikasan Ng Sinopsis​