Mga Pangungusap Ng Hiram Na Salita

mga pangungusap ng hiram na salita

Mga Hiram na Salita? Transliteration?

Ang isang tunay na tatak ng isang katutubong propesyonal na tagasalin ay ang kakayahang matukoy kung kailan gagamit ng mga hiram na salita at kung kailan hindi. Ganoon din ang sitwasyon para sa transliteration, o ang pagbibigay ng pagsasalin sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga tunog ng isinaling salita gamit ang sistema sa pagsusulat ng pinagsalinang salita.

Ang Tagalog, bilang isang wikang may Latin na sulat at may matinding impluwensya ng mga wika ng mananakop na Amerikanong Ingles at (hangga’t paano) Espanyol, ay likas na gumagamit ng maraming mga hiram na salita. Halimbawa, ang ilang mga salitang Tagalog para sa mga mas bibihirang kulay ay hiram mula sa Ingles, tulad ng indigo, fuschia, at magenta. Ang ganitong pagtanggap ng salita ay nagiging mas laganap sa mga mas panteknikal na larangan, tulad ng teknolohiya (ang mga halimbawa ay: gadget, stoplight, Internet, jet, cellphone) at mga computer (hal. microprocessor, mouse, syntax).

Ang mga larangan ng batas, ligal at medisina ang siyang pinakamadalas gumamit ng mga hiram na salita sapagkat napakakaunti ng mga direktang katumbas na salita sa Tagalog ay mayroon para sa mga katagang kanilang ginagamit. Ang mga salitang tulad ng estoppel, photosynthesis at cerebellum ay matagal nang naintidihan sa kanilang orihinal na Ingles na anyo at hindi kailanman isinasalin.

Kapag ginamitan ng transliteration ang mga salitang ito ay magkakaroon ng higit pang pagkalito at isa itong karaniwang kahinaan ng mga baguhang tagasalin. Ang kakulangan ng isang napaglinang na bokabularyo kasama ang pangangailangang magsumite ng isang pagsasalin-wika ay pumipilit sa kanila na isulat na lang basta-basta ang pinagmulang Ingles na salita ayon sa tunog ng pagkakabigkas nito.

See also  2. Alin Sa Mga Sumusunod Ang Halimbawa Ng Akademikong Pagsulat? A. Buod B. Abstra...

Ang ilang mga karaniwang transliteration na ginagamit kahit na mayroong mga tunay na katumbas na salita sa Tagalog ay ang “siruheno” para sa “surgeon” (ang tamang salita ay “maninistis”); “eksperto” para sa “expert” (ang tamang salita ay “dalubhasa”), at “estado” para sa “state” (ang tamang salita ay “katayuan”).

Bukod pa dito, ang kakulangan ng patuloy na pagkakalantad sa mga takbo ng wika, pagtuturo, at pangasiwaan sa puntiryang merkado ay mapanganib din. Dati-rati, ang mga salitang tulad ng “calcium” at “equilibrium” ay hinikayat ng mga may-kapangyarihan sa wika upang ‘maisalin’ bilang “kalsyum” at “ekwilibriyo”. Subalit kamakailan ay ang mga ganoong transliteration ay itinuturing na bilang hindi katanggap-tanggap nang mapagtanto na ang mga hangong salita tulad ng “calcium carbide” ay magiging talagang hindi natural pakinggan bilang “kalsyum karbido”—sapagkat ang compound na ito mismo ay kilalang-kilala sa Tagalog bilang “kalburo”.

Napakarami pang ibang mga halimbawa ang matatagpuan sa lahat ng dako mula sa nakakatawa (“kompyuter” para sa “computer”) hanggang sa nakakalito (“manwal” para sa pang-abay na “manual” sa halip na “mano-mano”) hanggang sa may dalawahang kahulugan (“aplikasyon ng software” para sa “software application”) at hanggang sa tuwirang kadema-demanda (“imbalido”, na nangangahulugang “baldado” para dsa “invalid”, na dapat sana’y isinalin bilang “walang bisa” para sa “not valid”).

Sa kabilang banda, paano malalaman ng isang tao kung ang isang salitang iniwang nakasulat sa Ingles ay talaga namang walang direktang pagsasalin? Mula sa mga kataga sa pagluluto tulad ng “salitre” (na madalas ay iniiwang hindi naisalin bilang “saltpeter”) hanggang sa mga kataga para sa bahagi ng katawan tulad ng “lapay” (na madalas ay iniiwang hindi naisalin bilang “pancreas”), ang ganoong sopistikadong paghuhusga ng tagasalin ay isang bagay na makakamit lamang sa pamamagitan ng pormal na pagsasanay, araw-araw na pagkalantad at aktwal na karanasan sa pagtatrabaho—at hindi nang kulang ang alinman sa mga ito.

See also  Laging Gabi Umuwi Si Elsa Galing Paaralan Bunga:

Sa bandang huli, pinakamainam na huwag ipagpaubaya ang kahit ano sa paghuhula at hayaan ang mga propesyonal na dalubhasa ng wika na gawin ang kanilang pinakamahusay gawin–ang magdulot ng mga pinakamagaling na pagsasalin tulad ng inaasahang mabasa ng puntiryang mambabasa, na nakasulat ayon sa estilong gusto mo.

Ang haba..sorry