Mga Halimbawa Ng Pangungusap Na May Datapwat, Ngunit, Samantala,sak…

mga halimbawa ng pangungusap na may datapwat, ngunit, samantala,saka,kaya,dahil sa

HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP

Mga halimbawa ng pangungusap na may

  • datapwat
  • ngunit
  • samantala
  • saka
  • kaya
  • dahil sa

Datapwat

  1. Binigay niya ang kanyang tinapay datapwa’t siya’y  gutom na.
  2. Sinikap niya na makapasok sa eskuwelahan datapwa’t siya ay may iniindang sakit.
  3. Naging mahinahon pa rin siya datapwa’t sinabihan siya ng masasakit na salita.

Ngunit

  1. Maganda ang hangarin niya ngunit hindi epektibo  ang mga nakapaligid sa kanya.
  2. Mabibili ko na sana ang gusto kong damit ngunit nawala naman ang ipon kong pera.
  3. Naghintay ako ng tatlong oras sa ating tagpuan ngunit kahit anino mo ay di ko man lang nakita.

Samantala

  1. Malamig ang kanyang kape samantala ang aking  juice ay mainit.
  2. Naglalaro ako ng chess samantala ang aking kaibigan ay naglalaro ng jackstone.
  3. Minahal ko siya ng totoo samantala siya, niloloko lang pala ako.

Saka

  1. Mabait saka maganda ang dilag na yaon.
  2. Pakibili naman po ako ng ballpen saka papel.
  3. Sinigang saka tinola ang paborito kong ulam.

Kaya

  1. Sira ang kotse ko kaya maglalakad tayo.
  2. Nagkaroon ng malakas na bagyo kaya nasuspinde ang klase.
  3. Gusto kasi kita kaya kakantahan kita.

Dahil sa

  1. Pabagsak ang gobyerno dahil sa mga hindi  matitinong appointee sa pamahalaan tulad ni Mocha Uson.
  2. Nagkaroon ng brown out sa aming lugar dahil sa bumagsak na poste.
  3. Ipinaglaban ng mga estudyante ang kanilang karapatan dahil sa nararanasang kawalang katarungan sa paaralan.

See also  1. Ipaliwanag Kung Paano Ginamit Ang Mga Salitang May Salungguhi...