Mga Halimbawa Ng Dula

mga halimbawa ng dula

Answer:

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula – mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna – matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas – matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Explanation:

#CarryOnLearning.

See also  Kahulugan Ng Sinopsis Scribd