Mga Di Pamilyar At Pamilyar Na Salita

mga di pamilyar at pamilyar na salita

 Salumpuwit

-Ito ay nangangahulugang upuan.

Halimbawa: Ang paboritong salumpuwit ni Lola Basya ay ang gawa sakanya ni Lolo Tasyo.

2.) Hunsoy

-Ito ay isang sigarilyo na mataba at hindi nauubos dahil ang lalagyan ay isang bakal.

Halimbawa: Hunsoy ang biniling regalo ni Marco para sa kanyang lola.

3.) Badhi

-Guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran.

Halimbawa: Tinignan ng manghuhula ang badhi sa kamay ni Judy.

4.) Alimpuyok

-Amoy ng kaning nasusunog.

Halimbawa: Naamoy ni Aling Marta ang alimpuyok ng niluluto ng kanyang anak na si Nene.

5.) Agatat

-Marka sa pamamagitan ng patalim.

Halimbawa: Hindi pa rin nawala ang agatat sa kamay ni Lina.

6.) Agas

-Mahinang kaluskos ng ahas, daga, atbp.

Halimbawa: Narinig niya ang agas ng ahas kaya nagmadali siyang umalis.

7.) Ampang

-Panimulang paglalakad ng isang bata.

Halimbawa: Pinanuod ng mag-asawa ang pag-ampang  ng kanilang anak.

8.) Katoto

-Nangangahulugang kaibigan.

Halimbawa: Itinuring niyang mga kapatid ang kanyang mga katoto.

9.) Salipawapaw

-Sasakyan na lumilipad. Eroplano

Halimbawa: Magkasamang sumakay ng salipawapaw ang pamilya ni June.

10.) Hami

-Pautal-utal magsalita dahil sa kalasingan.

Halimbawa: Hami na ang pagsasalita ng asawa ni Aling Marta ng umuwi ito galing sa kaarawan ng kanilang pinsan.

Mga pamilyar na salita
1.)Kaibigan
-ito ay ang ating kalaro 
2.)Headset
-Ginagamit sa pakikinig ng musika ng pang sarili
3.)Cellphone
-ito ay kinakaadikan ng mga bata o matanda

See also  Ang Sabi Ng Maya Sa Puno Ng Akasya Maraming Kaibigan Ang Batang _____