Merkantilismo [tex]merkantilismo[/tex]

Merkantilismo
[tex]merkantilismo[/tex]

Impormasyon tungkol sa “Merkantilismo”

  • Ang doktrinang merkantilismo ay isang pamamaraang pang-ekonomiya na kumalat sa bansang Europe na minimithi na magkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang pamantayan ng kayamanan at kapangyarihan ng isang bansa. Kasi ang sistemang ekonomiko nila ay nakabatay ang yaman at kapangyarihan ng bansa ayon sa dami ng mahahalagang metal nito.
  • Ito ay ang sistema ng pamahalaan upang itaguyod ang kayamanan at kapangyarihan ng estado.

Ang pag-unlad ng doktrinang merkantilismo ay nakakatulong din sa paglakas at pagbuo ng mga nation-state sa Europe ito ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang mai-provide ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na mga product, ang bansa ay hindi na aasa sa mga produktong dayuhan. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang matulungang maitaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Hindi lamang pang-ekonomiya yung layunin ng merkantilismo kundi pampolitika rin. Ang layunin ng doktrinang ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay mapondohan ang kanyang hukbo, makapagpagawa ng mga barko, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong sangkatauhan. O magkakaroon ng balance sa pangangalakal na magdadala ng mahalagang metal katulad ng ginto.

Sentral sa teorya ng merkantilismo ang doktrinang bullionism. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal, katulad ng ginto at pilak. Ibig sabihin nito kung mas madaming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang makukuha nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa, base sa daming mga mahahalagang metal.

See also  Ano Ang Epekto Ng Berlin Blockade​

Kung ang bansa ay madami o sagana sa mga mahahalagang metal, katulad ng ginto at pilak. Ito ay maituturing nila na makapangyarihan at mayaman ang naturang bansa. Dahil ang doktrinang ito ay nakabatay ang yaman at kapangyarihan ng bansa, base sa reserbang bullion o dami ng kanyang ginto at pilak.

#AnswerForTrees

#BrainlyLearnAtHome