May Halimbawa Po Ng Pabula?​

May halimbawa po ng pabula?​

Answer:

Halimbawa sa pabulang “Ang Aso at ang Uwak”, nakuha ng aso ang karne sa pamamagitan ng pagpuri sa uwak.

Sa pabulang “Ang Kuneho at Pagong”, naunahan ng pagong ang kuneho dahil sa kanyang matiyaga at patuloy na paglalakad.

Sa pabulang “Ang Matalinong Pagong at Hangal na Matsing”, napaglalangan ng pagong ang matsing nang magkunwari siya na ayaw na ayaw niya sa tubig.

Ang mga aral sa mga pabula ay naging bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipag-usap tulad ng “Matalino man ang matsing”, “Huwag bibilangin ang itlog,” at “Balat man ay malinamnam”.

Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop. Mayroon ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang Sumigaw ng Lobo” at “Ang Babaing Maggagatas” o magkahalong hayop at tao na katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.

See also  Ano Ang Jbig Sabihin Ng Patuloy Na Sumusikat Ang Araw Kahit Lumulubog Din Ito​