Magsaliksik Tungkol Sa Relihiyon Buddhism Ano Ang Kanilang Paniniwala
magsaliksik tungkol sa relihiyon buddhism ano ang kanilang paniniwala
Answer:
Ang Budismo (Buddhism) ay isa sa mga nangungunang relihiyon ngayon sa daigdig pagdating sa dami ng taga-sunod, pamamahagi sa heograpiya, at impluwensiya sa lipunan at kultura. Habang ito ay isang malaking relihiyon sa silangan, ito ay nagiging kilala at maimpluwensya rin sa mundong kanluranin. Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong karapatan, bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao). Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa buhay ay ang makamit ang tinatawag nilang “enlightenment” o Nirvana.
Ang tagapagtatag ng Budismo na si Siddhartha Guatama, ay ipinanganak na isang dugong-bughaw sa India noong 600 B.C. Siya ay nabuhay sa maluhong pamumuhay na hindi masyadong nalalantad sa mundo. Sadya siyang iniwas ng kanyang mga magulang sa impluwensya ng relihiyon at inilayo mula sa sakit at pagdurusa. Gayunman, hindi ito nagtagal hanggang ang kanyang tahanan ay napasok, at siya ay nagkaroon ng pangitain ng isang matandang tao, may karamdamang tao at nabubulok na bangkay. Ang kanyang ikaapat na pangitain ay isang mapayapang asetikong monghe (tinanggihan ang luho at kaginhawahan). Nang makita niya ang kapayapaan sa monghe, napagpasyahan niya na maging isa ring asetiko. Iniwan niya ang kayamanan at kasaganaan at ipinagpalit sa payak na pamumuhay. Sinanay niya ang sarili sa matinding pagninilay at pagdidisiplina. Siya ang namuno sa kanyang pangkat. Kalaunan, ang lahat ng kanyang pagsusumikap ay nagwakas. Siya’y nagpakasawa sa isang tasang kanin at umupo sa ilalim ng puno ng igos (tinatawag din na puno ng Bodhi) upang magnilay hanggang maabot ang “enlightenment” o mamatay sa pagsubok na maabot ito. Sa kabila ng mga paghihirap at tukso, kinaumagahan, kanyang naabot ang “enlightenment”. Kaya siya ay nakilala sa tawag na ‘the enlightened one’ o ‘Buddha’. Kinapitan niya ang kanyang mga natuklasan at nagsimulang ituro sa mga kapwa niya monghe, na mayroon siyang malaking impluwensiya. Lima sa kanyang mga kasamahan ang naging una niyang mga alagad.
Ano ang mga natuklasan ni Guatama? Ang “enlightenment” ay makakamit sa pamamagitan ng “gitnang daan,” hindi sa pagpapakasasa sa kaluhuan kundi sa mortipikasyon ng sarili. Higit pa rito, natuklasan niya ang tinatawag na “apat na maharlikang katotohanan”1) ang mabuhay ay magdusa (Dukha), 2) ang pagdurusa ay hatid ng pagnanais (Tanha, or “attachment”), 3) maaalis ang pagdurusa sa pamamagitan ng pag-alis sa lahat ng “attachment” at 4) ito ay makakamtan sa pagsunod sa “noble eightfold path”. Ang “eightfold path” ay nabubuo sa pagkakaroon ng tamang 1) pananaw, 2) hangarin, 3) pananalita, 4) kilos, 5) buhay (bilang monghe), 6) pagsisikap (wastong paggabay sa enerhiya), 7) pag-iisip (pagninilay), at 8) konsentrasyon (pokus). Ang mga katuruan ni Buddha ay tinipon sa tinatawag na “Tripitaka” o “three baskets.”
Sa likod ng mga katuruang ito ay mga katuruang karaniwan sa Hinduismo, gaya ng karma, Maya, at ang posibilidad na unawain ang realidad sa isang “pantheistic” na oryentasyon. Nagbibigay ang Budismo ng teolohiya ng mga diyos at mataas na nilalang. Subalit, tulad ng Hinduismo, ang pananaw ng Budismo sa Diyos ay mahirap maintindihan. Ang ilang sangay ng Budismo ay nararapat na tawaging “atheistic”, habang ang iba naman ay “pantheistic”, ang iba naman ay “theistic”, tulad ng “Pure Land Buddhism”. Samantalang ang “Classical Buddhism” ay mas piniling maging tahimik ukol sa realidad na mayroong pinakamakapangyarihan sa lahat, samakatwid maituturing itong “atheistic”.
Explanation:
HOPE IT HELPS
BRAINLEST PLSSS
babaylan takeover panay manggagamot botong
Uskonto paniniwala buddha ihra suuri unserer willkommen. Mga paniniwala relihiyon asya. Paniniwala ng mga kontribusyon sinaunang asyano hinduismo ang hinduism kabihasnang nakabatay
mga pananaw paniniwala buddhism pandaigdigang daloy kaugnayan kasaysayan nito
Ang pinagmulan ng tao ayon sa mga relihiyon. Islam mga batayang turo aral at paniniwala. Buddha devil worship
mga relihiyon paniniwala turo
Mga relihiyon sa asya. Mga paniniwala relihiyon asya. Mga relihiyon asya
ng paniniwala pilipino sinaunang tradisyon panlipunan mga
Mga relihiyon at paniniwala sa asya. Relihiyon pinagmulan ang ayon tao buddhism kristiyanismo paglikha paniniwala. Mga pandaigdigang pananaw at ang kaugnayan nito sa daloy ng kasaysayan
Pananaw ang paniniwala nito daloy pandaigdigang kaugnayan kasaysayan taoism. Buddhism aryanism dharma. Babaylan takeover panay manggagamot botong
Panay's babaylan: the male takeover • the aswang project. Paniniwala asya relihiyon. Mga kontribusyon at paniniwala ng mga sinaunang asyano