Magbigay Ng Halimbawa Ng Pabula?
magbigay ng halimbawa ng pabula?
Ang pabula ay mga kwentong kathang isip lamang, hindi totoo, at gawa gawa ng manunulat. Karaniwang ang mga pabula ay tungkol sa hayop, at mga pinagmulan nito. Ang mga impormasyon na nasa kwento ng isang pabula ay kung ano na lamang ang maisip ng manunulat. Karaniwang ang inilalarawan ay ang mga pagkakaugnay ng mga hayop sa kapaligiran at ang kontribusyon nila sa ating pamayanan.
Ang mga halimbawa ng pabula ay
Ang matsing at ang pagong, ang biik at ang mga tupa, ang agila at ang kalapati, ang kuneho at ang pagong, ang leon at ang daga, at marami pang mga pabula. Ang pabula rin ay isang uro ng panitikang Pilipino na ang tauhan ay mga hayop.