Mag Pakita Ng Isang Kultura/paniniwala Bilang Isang Asyano Sa Pilipinas​

Mag pakita ng isang kultura/paniniwala bilang isang asyano sa Pilipinas​

Answer:

KULTURA

Ang pagiging Asyano ay tunay nga namang maipagmamalaki sa buong mundo dahil sa mayaman na kultura at paniniwala ng mga bansang nabibilang sa kontinenteng ito. At bilang isang Pilipino na mamamayan ng Asya, masasabi na kung kultura at paniniwala ang pinagbabasehan ng pagiging mayaman ng isang bansa ay siguradong isa na ang Pilipinas sa nangunguna dito. Pagkat alam naman natin na sa mga tradisyon pa lamang ay may ipinagdiriwang araw – araw sa iba’t – ibang bahagi ng bansa. Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang iba’t ibang mga uri ng pamanang pangkultura ng maraming mga kabansaan, mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon, na nakaugaliang tinatawag bilang isang kontinente magmula sa pananaw na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang rehiyon o lupalop ay mas pangkaraniwang hinahati sa mas likas ng mga kabahaging rehiyon na pangheograpiya at pangkultura, kabilang na ang Gitnang Asya,Silangang Asya, Timog Asya (ang “subkontinente ng India”), Hilagang Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Sa heograpiya, ang Asya ay hindi isang namumukod tanging kontinente; sa kultura, mayroong kakaunting pagkakaisa at karaniwang kasaysayan para sa maraming mga kultura at mga tao ng Asya. Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng kulturang Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin ang pilosopiya at relihiyon, na kinabibilangan ng Hinduismo, Taoismo, Kompusyanismo,Budismo, Kristiyanismo at Islam; ang lahat ng mga ito ay may pangunahing mga gampanin. Isa sa pinakamasasalimuot na mga bahagi ng kultura ng Asya ay ang ugnayan sa pagitan ng mga kulturang nakaugalian at ang mundo ng Kanluran. Ang kultura ay salamin ng ating bansa kung kaya’t sa bawat kultura na ating ginawa ay mapapansin ang bawat butil o katiting na guhit sa ating bansa. Marami tayong iba’t ibang kultura at kasaysayan mula sa iba’t ibang parte ng Asya. Ngunit ang iba sa mga mga kultura ay hindi man naalis o nakalimutan at may mga nadagdag na pagbabago.

See also  Country Of The Year Beauty Pageants 2016

Paniniwala

Ang mga paniniwala nman natin ay talagang hindi nawawala anumang oras. Sa relihiyon pa lang natin ay may kanya – kanyang paniniwala ang mga pangkat ng tao kaya naman napakarami nang relihiyon ang bumubuo sa Pilipinas. Pati na rin ang mga pang – araw – araw na paniniwala na tinatawag nating pamahiin ay tunay namang pinapahalagahan din ng iba. Ang paniniwala ng mga Pilipino ay nakuha pa noong sinaunang panahon at pinasa sa bawat henerasyon. Ito ay pinapanagutan rin ng siyang naniniwala dito. Ilan s amga tampok na pamahiin na kadalasa’y sinusunod nating mga mamayang Pilipino ay ang mga sumusunod:

Explanation:

Ang pagiging mamamayang Asyano ay dapat pahalagahan, Dahil ang bansang Asya ay mayaman sa Kultura, Historya, Paniniwala at Likas na Yaman. Dapat itong bigyan dangal at maging makabayan. Sapagkat bilang isang Asyanong mamamayan ikaw ay isang tao a nanggaling sa bansa na makulay at masining ang kultura at magrasya ang paniniwala