Liham Para Sa Magulang Simpleng Salita At Mahaba​

liham para sa magulang simpleng salita at mahaba​

Answer:

Nay, dahil sa inyong sulat marami akong napagtanto. Oo nga pala, ‘di na kayo nabata. Nawawala sa aking isipan na habang ako ay natanda, ganoon rin kayo. Patawad po, kung may mga panahong kayo’y aking masigawan o kaya’y mapagalitan, h’wag niyo po sana masyado damdamin dahil ako’y nadadala lang sa aking emosyon kapag galit. Sa oras po na ako’y maubusan ng pasensya, bigyan niyo po ako ng oras upang hanapin ang sarili’t matanto ang aking pagkakamali. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan niya ako ng mga magulang na nagpalaki sa akin ng maayos, at ni minsa’y ‘di niyo kami pinabayaan. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ako magiging ganito, na lalaking malusog at masigla. Sa inyong pagtanda, hayaan niyo’ng ako naman ang mag-alaga sa inyo. ‘Di ko man lubusang masuklian at mapantayan ang inyong mga isinakripisyo, susubukan ko pa rin gawin ang lahat-lahat para ako’y makabawi sa inyo kahit papaano. Tanggalin niyo po sa inyong isipan na kayo’y aking papabayaan dahil ‘di kailanman ito sumagi sa aking isipan.

See also  Ulong Ulot Paa Lamang Walang Pagod Sa Pagsasayaw Salawikan Kasabihan Bugtong ​