Konsepto Ng Pagkakaibigan​

konsepto ng pagkakaibigan​

Answer:

Ano ang konsepto ng pagkakaibigan?

Bawat isa sa atin ay may tinuturing na kaibigan. Tila walang tao sa mundo ang walang kaibigan. Ang iyong tinuturing na kaibigan ay maaaring miyembro ng iyong pamilya, kaklase, guro, kasamahan sa trabaho, kapitbhay at iba pa.

Ang pagkakaibigan ay isang magandang relasyon o magandang ugnayan na nabuo sa dalawa o higit pang tao. Magandang ugnayan na binuo ng pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa bilang kaibigan. Dahil dito ay mayroon kang taong masasandalan at magmamalasakit sa iyo sa oras ng pangangailangan, makakasama sa mahahalagang pangyayari sa iyong buhay, at tutulong upang mas makilala at mapalago mo pa ang iyong sarili.

Bagama’t ang pagkakaibigan ay mabuting relasyon, dumarating din ang pagkakataon kung saan nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Ito ang sumusubok sa tibay ng inyong samahan. Kung malampasan niyo ang bawat hamon na ito ay maswerte ka dahil tunay na pagkakaibigan ang iyong natagpuan. Tanggap at naiintindihan ninyo ang kahinaan ng isa’t isa. Ito ang bagay na hindi matutumbasan ng pera. Isa ito sa iyong mga kayamanan na mabibitbit hanggang pagtanda.

See also  Limang Katangian Ng Lakbay Sanaysay​