Kaugalian Ng Parabula​

kaugalian ng parabula​

ANSWER & EXPLANATION:

Sa kaniyang aklat na Preaching Parables: A Metaphorical Interfaith Approach (2008), masusing tinalakay no Steven J. Voris ang mga katangian ng isang parabola. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. Ang parabula ay isang salaysay.

Ang mga sangkap na bumubuo sa isang maikling kwento, gaya ng tauhan, tagpuan, banghay, tema, pananaw, at iba pa ay ang mga sangkap na maaari ring gamitin sa pagsulat ng parabola. Kung babalikan ang napakinggang parabola na “Binhi ng Mustasa,” taglay rin nito ang mga sangkap na mayroon ang isang maikling kuwento. Ang mga pangunahing tauhan nito ay sina Kisagotami at Buddha. Ang tagpuan nito ay isang bayan sa India ilang siglo na ang nakaraan. Ang banghay nito ay binubuo ng pagpanaw ng kaisa-isang anak ni Kisagotami; hindi niya pagkatanggap sa pangyayari; paghingi niya ng lunas kay Buddha; paghahanap niya ng isang tahanang hindi pa namamatayn upang humingi ng butyl ng mustasa; pagbalik niya kay Buddha na naliwanagan; at pagiging tagasunod niya ni Buddha. Ang tema naman nito ay pagtanggap sa kamatayan at ang pananaw na ginamit ay ikatlo dahil tila may hiwalay na tagapagkuwento na naglalahad ng mga pangyayari.

Ang kinaiba ng parabola sa maikling kuwento ay wala sa mga sangkap na bumubuo rito kundi sa uri ng mensaheng taglay nito. Ang isang parabola ay may nakatagong aral na maaaring magturo sa mambabasa o magpabago sa kaniya. Sa parabulang tinalakay, ang nakatagong mensahe na ito ay ang hiwaga ng buhay. Ang buhay pala ay may simula at may sadyang wakas, na walang sinumang tao, gaano man kayaman o kadakila, ang makaliligtas sa likas na prosesong ito. Dahil pinakikilos din ng mga parabola ang imahinasyon ng tao sa maraming paraan, iba’t ibang interpretasyon ang maaaring mabuo. Maaaring ang sumulat ng parabola ay may layong magturo lamang ng isang tiyak na aral ngunit may iba pang aral na mapupulot ang mambabasa sa parabola, dapat ding tanggapin ang mga ito, lalo pa kung mapabubuti nito ang tao. Halimbawa, ang pangunahing aral ng parabola ay ang pagtanggap sa likas na daloy ng buhay ngunit kung may iba pang mensahe na mapupulot ang mambabasa, gaya ng wagas na pagmamahal ng magulang sa kaniyang anak, o pagtulong sa nangangailangan, tinatanggap din ang mga ito.

See also  Ang Kamatis Na Nagkakamali Gulay Ay Isa Palang Masustansyang Prutas Na Na...

2. Ang parabula ay isang metapora.

May mga pagkakataong nagkukulang ang tuwirang paglalarawan sa isang bagay upang maintindihan ito ng tao. Sa ganitong mga sitwasyon angkop ang paggamit ng mas masining na pagpapahayag, gaya ng paggamit ng metapora. Ang metapora ay isang masining na pananalita na tumutulong sa isang tao na maintindihan ang anumang hindi niya alam o nakalilito sa kanya gamit ang bagay na dati na niyang alam.

Sa parabula, ang pagkakatulad ay nasa karanasan ng tauhan at karanasan ng karaniwang mambabasa. Bawat tao, minsan sa kaniyang buhay, ay nakakaranas nang mamatayan. Maaaring ito ay kadugo, kaibigan, o alagang hayop. Kapag ang isang ito ay nawawalan ng isang mahal sa buhay, nakatuon lamang siya sa sakit na nararamdaman niya. Minsan, dumarating pa sa puntong hindi niya ito matanggap at sinisisi ang Langit o ang sarili. Bago maisip ng tao na hindi patas ang kapalaran dahil nangyari na ito sa kanya, itinuturo ng parabula na hindi, ang kamatayan ay dinaranas ng lahat. Likas ito sa sinuman o anumang may buhay kaya sa halip na hindi tanggapin, dapat bukas itong