Katotohanan Sa Kwentong Ang Parabulang Alibughang Anak​

katotohanan sa kwentong ang parabulang alibughang anak​

Answer:

Isa sa makulay na talinhagang ipinahayag ng Panginoong Hesus ang tungkol sa alibughang anak. Tungkol ito sa isang anak na hiningi ang kaniyang mamanahin sa kaniyang ama at nang maipagkaloob sa kaniya ay umalis, subalit inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay. (Lukas 15:11-13)

Ang salitang “prodigal” ay may kahulugang “wastefully extravagant.”

Nang maubos ang kaniyang tinatangkilik at nagkaroon ng kagutom, nagpasiya siyang bumalik sa kaniyang ama. At nang siya’y magbalik, ipinagdiwang ito ng kaniyang ama sa pamamagitan ng malaking kapistahan. (Lukas 15:16-24)

Ang kaniyang kapatid na panganay ay nagalit sa pagdiriwang na ibinigay ng kanilang ama, sapagkat kaylanman ay hindi siya binigyan ng ganitong kapistahan at pagpapahalaga gayong siya ay nananatiling naglilingkod sa kaniyang ama. (Lukas 15:25-32)

Bawat isa sa atin ay maaaring makaugnay sa talinhagang ito, sapagkat lahat tayo’y dating naligaw ng landas sa kawalan ng kaalaman at unawa sa mga katuwiran ng ating dakilang Dios. Ang ating mga magulang ay tunay na nagpakaligaw sa mga tuntunin ng Dios (Malakias 3:7) at tayong mga anak ay nagsilakad nang ayon sa lakad ng sanlibutang ito. (Efeso 2:2-3)

Ano ang napakahalagang aral na ibig ng Dios na matutunan natin sa talinhagang ito?

Ang katangian ng ama sa talinhaga ay nagpapakilala ng katangiang taglay ng Dios. Ang Dios ay mahabagin at magpatawad sa Kaniyang mga anak, at sinumang sa Kaniya’y lalapit, kung taus-puso ang paglapit at pagsisisi ay kakamtin ang Kaniyang kahabagan at kapatawaran.

Sinabi ng Biblia, “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa.” (Isaias 1:18)

See also  D. Panuto: Basahin Nang Mabuti Ang Bawat Pangungusap. Isulat An...

Isang malaking pagkakamali na isipin nating ang Dios ay isang mabagsik na Dios, na ang laging tinitingnan ay ang bawat pagkakamali na ating nagagawa, na para bagang lagi siyang nakabantay at handa tayong parusahan sa anumang pagkakamali na ating nagagawa.

Tunay na ang Dios ay Dios ng pagibig, at hindi siya nagagalak sa kalikuan o kinukunsinti ang ating mga pagkakamaling nagagawa. Ngunit hindi naman natin dapat samantalahin ang pagiging mahabagin ng Dios, sapagkat ang habag ng Dios ay ibinibigay Niya sa mga karapatdapat lamang na pagkalooban nito.

Explanation:

HOPE IT HELPS

CORRECT ME IF WRONG

PA RATE AND PA LIKE NAMN THANKS

Katotohanan Sa Kwentong Ang Parabulang Alibughang Anak​

Ang kwento ng alibughang anak buod. Third grading aralin 1 alibughang anak. Alibughang anak cartoon images

Ang Alibughang Anak Buod At Mga Aral Ng Kuwento - Mobile Legends

Prezi ang. Anak ang. Ang ng kwento buod

Alibughang Anak - ePuzzle photo puzzle

Ang alibughang anak buong kwento. Alibughang anak cartoon images. Ang alibughang anak