Katatapos Lang Ng Online Class. Kiel: "Wal Tapos Na Po Kami Sa Online Class. May Ipin…

Katatapos lang ng online class.
Kiel: “Wal Tapos na po kami sa online class. May ipinapagawa po si
ma’am sa hiwalay na papel. Nasagutan ko na rin po ang
gawain na nasa quizalize,
Lola: “Aba mabuti naman apo kung tapos mo na ang mga gawain mo
para hindi na ako maabala at marami pa akong gawain na
dapat tapusin.”
Kiel: “Pero wal di ko po alam kung paano sisimulan itong ilalagay sa
hiwalay na papel”.
Lola: “Ah, o sige akin na at babasahin ko para sa iyo at nang
maunawaan mo nang husto”
Kiel: “Sige po lola tulungan niyo na lang po ako tapos ako na po ang
magpapatuloy.”
Lola: “Apo, madali lang naman pala ang gagawin mo. Gagawa ka o
magsusulat ka ng isang patalastas, Isulat mo ito sa isang
malinis na papel. Tungkol ito sa nalalapit na Semana Santa.”
Kiel: “En iyon nga po lola, ano-ano po ba ang ginagawa kapag malapit
na ang semana santa? Ah alam ko na kasi nabanggit na po ito
sa misa noong Linggo. Sige po wal salamat po sisimulan ko na
po ang aking gawain.”
Lola: “Sige apo, gawin mo muna ang naiisip mo pagkatapos ay
titingnan ko kung “Ano pa ang kulang o kung sakto na ang
gawa mo.”
Kiel: “Sige po wa, salamat po. Mamaya po pakitsek na lang kung
tama.”

C. Pag-unawa sa Binasa (Sagutin nang pasalita)
1. Sino ang nag-uusap?
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Nabigyang solusyon ba ang suliranin ni Kiel? Paano?
4. Nasubukan mo na bang gumawa ng isang patalastas? Paano
nga ba ito ginagawa? Magbigay ng ideya
5. Magtala ng mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na nabasa
mo sa usapan​

See also  Bakit Mahalaga Ang Ginagampanan Ng Isang Lakandiwa Sa Balagtasan?​

Answer:

1.) Si Kiel at Lola

2.) Ang pinag usapan nila Kiel at ang kanyang lola ay patungkol sa takdang aralin tungkol sa paglalapit ng Semana Santa

3.) Oo, natulungan siya ng kanyang Lola upang maunawaan ang kanyang gawain.

4.) Oo, inaaral muna bago simulan pagkatapos gagawin na ang palatastas.

5.) Lola: “Apo, madali lang naman pala ang gagawin mo. Gagawa ka o magsusulat ka ng isang patalastas, Isulat mo ito sa isang malinis na papel. Tungkol ito sa nalalapit na Semana Santa.”