Katangian/nagawa Ng Kabalyero Sa Panahon Ng Piyudal
katangian/nagawa ng kabalyero sa panahon ng piyudal
Answer:
Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain. Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon
Explanation:
thank me later