Importansya Ng Pagkakaibigan

Importansya ng pagkakaibigan

may masasabihan ka ng iyong problema at may kasama ka upang harapin ang mga pagsubok sa iyong buhay

Ang mga kaibigan ang kailangan mo upang mas maging masaya, makulay at makabuluhan ang iyong mga karanasan sa buhay. Bagaman masagana pero masaya kapag kasama mo silang maabot iyon. Mas nagtutulungan, mas nagiging matagumpay. Kita iyon sa pagkakapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018. Nagsama-sama ang kaniyang mga malalapit na kaibigan at personal nilang pinaghusayan ang kani-kanilang role kung kaya naging flawless ang pagkapanalo ni Ms. Gray. Siyempre pa, hindi laging madali ang mga pangyayari pero dahil sa mga hamon na napagtagumpayan, mas nagiging matibay ang ugnayan.

Siyempre pa ang pagkakaibigan ay kailangang lumagpas sa ilang mga hamon. Mararanasan mong ma makahalubilo ng isang tao na sa maglaon ay dapat mong iwanan o iwasan yamang hindi ka niya nabibigyan ng mabuting impluwensya. Maging mapamili yamang sila ay maaaring manghikayat sa iyo na gumawa ng mga hakbanging maaarinng magpalayo sa iyong tamang landasin. Ikaw man din ay may impluwensya sa kanila, kaya dapat na maging karapat-dapat kang piliin ng isa. Upang mangyari ito, ikaw mismo ay dapat maglinang ng mga mabubuting katangian na magugustuhan nila gaya ng mapagbigay, may positibong pananaw, hindi maiinggitin at may mataas na moral na pamumuhay. Ngunit ang pagpapasulong ng mga nasabing katangian ay malayo sa kasakdalan kung kaya dapat maging balanse din sa pagtingin sa mga kahinaan ng isa. Ang kahinaan mo bang nakikita sa iyong sarili ay maaari pang unti-unting pasulungin o di kaya ay palagpasin? Marunong ka bang makinig sa iba, unahin ang kapakanan ng iba at magpatawad sa nagkakamali sa iyo? Kung oo ang sagot mo dito, handa ka ng humanap at pumili ng mga kaibigan.

See also  Gumawa Ng Essay Na Nangangailangan Ng Mga Volunteers Para Makatulong Sa Pro...

May mga kaibigang higit pa sa kadugo. Ito ay iyong lagi mong nakakasama sa hirap at ginhawa. Kilala ninyo ang isa’t-isa anupat alam ninyo ang mga lihim, ikinababahala mga ayay at gusto. Dumating man ang panahon na hindi na kayo laging magkasama, ay nagkakaroon pa din kayo ng panahon upang mag-usap, magpatibayan at magtulungan.

Nabubuo ang pagkakaibigan kahit sa magkakapamilya. Mayroong mag-asawa na nagsasabing tumagal ang kanilang pagsasama dahil sila ay magkaibigan. Ibig sabihin, hindi lamang nila pinagsasaluhan ang romantikong pagmamahalan kundi magkasama din nilang hinaharap ang mga hamon sa buhay, una nilang sinasabi ang mga nadarama at naiisip nila sa bawat isa. Magkasama silang ine-enjoy ang kanilang samahan. Gayundin ang ilang dating magkaaway, nang maglaon ay naging mabuting magkaibigan. Nakita nilang mas komportable sila nang maayos nila ang isyu at nagtutulungang huwag nang masira ang ugnayan. Ang ilan naman ay nabubuo dahil mula pagkabata ay magkasama na sila. Sa modernong panahon din ay nakakabuo ng pagkakaibigan ang mga nasa malalayong lugar siguro dahil sa iisang interes anupat madali na lamang ang komunikasyon dahil sa social media. Malawak na din ang mga nagiging organisasyon ngayon, kaya nagiging mahusay na kaibigan ang isa na may pareho kayong tunguhin o adhikain sa buhay. Siyempre pa, ang kaibigan ay hindi nalilimitahan sa kaedad at kalahi mo. Masayang pumili ng kaibigan na iba ang edad, lahi o kultura pa nga.

Masaya ang buhay dahil may kasama kang kaibigan. Ang totoo, nagdaragdag ito ng haba ng iyong buhay. Disenyo ito sa lahat ng nilalang na buhay. Oo maging ang mga puno at mga hayop ay may kakayahang makipagkaibigan.

See also  Punan Ang Patlang Nga Angkop Na Salita O Mga Salita.​