Ikatlong Tagpo Sa Romeo And Juliet​

ikatlong tagpo sa romeo and juliet​

Answer:

JULIET: O Romeo, Romeo!

Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!

O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,

At hindi na ako magiging Capulet

ROMEO: Maghintay pa kaya ako, o ngayon din ay tumugon?

JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,

Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.

Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa,

Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.

O, magpalit ka na ng pangalan!

Ang rosas kung tagurian,

Sa ibang taguri’y mananatiling mabango ang pangalan

ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan.

Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;

Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.

JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,

Na nakatuklas sa aking lihim?

ROMEO: Sa pangalan, Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring katauhan.

Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko

Pagka’t yao’y isang kaaway mo.

Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko.

JULIET: Hindi ko pa nalalanghap,’ sandaang kataga,

Ng sinabi ng dilang yan,ngunit alam ko na yata.

Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague?

ROMEO: Hindi ang kahit alin, o santang butihin, kung kamumuhian mo rin.

JULIET: Paano ka naparito, sabihin sa akin, at saan nanggaling?

Pader dito ay mataas. Mahirap akyatin,

At kung iisipin, ang pook ay kamatayan,

‘Pag natagpuan ka rito ng sino mang aking kasamahan.

ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;

Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang.

See also  Ano Ang Pagkakaparehas Ng Awiting Bayan At Bulong​

Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin,

Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.

JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO: Tamisan mo lang ang titig,

Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.

JULIET: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.

ROMEO: Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin,

Hindi baleng matagpuan nila ako, iyo lamang mamahalin.

JULIET: Sinong nagturo sa iyo ng lugar na ito?

ROMEO: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,

Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas.

JULIET: O mabait na Romeo,Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo.

O kung akala mo’y ako’y napakadaling mahuli,

Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,

Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal;

Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako

Kaysa mga mukhang mahiwaga dahilan sa tuso.

ROMEO: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon

Na nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy.

JULIET: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman

Na buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran.

Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan

Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala

Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal!

ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan?

JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan?

ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.

JULIET: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi.

ROMEO: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay?

See also  Kakanyahan Ng Parabula

JULIET: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.

Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,

Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita

Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan.

Maging tapat ka Montague kong matamis

Maghintay ka, ako ay muling babalik.

ROMEO: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong gabi’y baka ito ay pangarap lamang,Masyadong mapanlito upang maging katotohanan.

JULIET: Tatlong salita, mahal kong Romeo’t paalam nang tunay.

Kung marangal ang hangarin ni’yong iyong pagmamahal,

at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako,

Sa tulong ng isang susuguin ko sa iyo,

Kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay ganapin;

Ang lahat kong kayamana’y sa paanan mo ay ihahain,

Sa buong daigdig kita susundin.

JULIET: Subali’t kung hindi wagas ang iyong hangarin,

Hinihiling ko sa iyo-

Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwanan

Bukas ako’y magpapasugo sa iyo.

ROMEO: Mabuhay nawa ang kaluluwa ko

JULIET: Adios, adios matamis na lungkot ng paghihiwalay

Di ako titigil ng kapapaalam hanggang kinabukasan