Halimbawa Ng Tula Ng Pagkakaibigan

halimbawa ng tula ng pagkakaibigan

Ang aking mga kaibigan

Ay lagi kong maaasahan

Kasama ko kahit saan

Nagdadala ng kasiyahan

Kapag ako ay may problema

Silay ay lagi kong kasama

Tulong nila’y lagi kong dama

Pagdamay ay laging kasama

Tanggap naming ang bawat isa

Kahit walang laman ang bulsa

Sa bawat isa ay umaasa

Pag-susulit ay laging pasa

Ang ugali man ay iba-iba

Kami’y komportable, walang kaba

Estado’y mataas o mababa

Kami’y walang pag-kakaiba

Kanya-kanya man ng minamahal

Magkakasama sa pagpasyal

Kahit kami’y hindi sosyal

Ang bawat isa’y aming mahal

See also  Alamin Kong Anu Ang Bulong . Awiting Bayan