Halimbawa Ng Tula Na May Sukat At May Tugma
halimbawa ng tula na may sukat at may tugma
Answer:
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna
1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
5
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
–
Isang halimbawa ng tagalog na tula na may sukat at tugma na tungkol sa isang pag-ibig na sawi dahil sa kamatayan.
Explanation:
:<