Halimbawa Ng Mga Elemento Ng Dula​

halimbawa ng mga elemento ng dula​

Answer:

Mga Elemento ng Dula:

aktor

dayalogo

direktor

iskrip

manonood

tanghalan

tema

Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan.  

Ang dayalogo ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

Ang direktor o taga – direhe ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.  

Ang mga manonood ang nagbibigay – halaga sa dula. Ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood.

Ang tanghalan ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang tanghalan ay maaaring  isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan ng dula.

Ang tema ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng  tema ng dula.

See also  Pagkakatulad Ng Paghahabi Ng Tela Sa Ibang Bansa At Sa Pilip...

Uri ng Dula:

Ayon sa Anyo:

komedya

melodrama

trahedya

Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?”

Ang melodrama ay dulang may kasiya – siyang wakas para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara.

Ang trahedya ay dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan ngunit karaniwang may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya ay Hiblang Abo.

2. Ayon sa Ganapan:

panlansangan

pantahanan

pantanghalan

Ang dulang panlansangan ay karaniwang ipinalalabas sa lansangan. Ang halimbawa nito ay panunuluyan.

Ang dulang pantahanan ay karaniwang isinasagawa sa tahanan. Ang halimbawa nito ay pamamanhikan.

Ang dulang pantanghalan ay karaniwang isinasagawa sa tanghalan. Ang halimbawa nito ay Macbeth ni William Shakespeare.

Mga Uri ng Dula: brainly.ph/question/184651

Kahalagahan ng Dula:

Sa pamamagitan ng dula naitatanghal ang totoong buhay.

Taglay ng dula ang mga katangiang umiiral sa buhay tulad ng mga tao at suliranin.

Inilalarawan ng dula ang damdamin at pananaw ng mga tao ng isang tiyak na bahagi ng kasaysayan.

Answer:

mag Basa ka Ng libro okay