Halimbawa Ng Di Pamilyar Na Salita

halimbawa ng di pamilyar na salita

Ang mga halimbawa ng di pamilyar na salita ay ang mga sumusunod:
1. Tipanan – isang lugar kung saan sila nagtatagpo.Halimbawa: Muli kaming magtitipon-tipon ng aking mga kaibigan sa dati naming tipanan.
2. Alipugha – isang iresponsableng tao.Halimbawa: Siya ay tinuring ng kanyang mga magulang na tila isang prinsesa kaya’t siya ay lumaking alipugha.
3. Katipa – kasintahan.Halimbawa: Madalas akong bumibili ng regalo para sa aking katipa.
4. Talipandas – isang tao na makapal ang mukha.Halimbawa: Si Aling Terry ay tinuring ni Mang Badong na parang isa tunay na kapatid ngunit dahil siya ay talipandas, hindi niya ito pinahalagahan.
5. Salipawpaw – isang sasakyang pang-himpapawid ; eroplano.Halimbawa: Si Anna ay mahilig magbakasyon sa iba’t ibang bansa kaya’t madalas siyang sumakay ng alipawpaw.
6. Piging – isang uri ng handaan.Halimbawa: Siya ay nasasabik na dumalo sa piging sapagkat kaarawan ng kanyang iniirog. 
7. Miktinig – mikropono o ‘microphone’ sa igles.Halimbawa: Nag-iisa lamang ang miktinig ng karaoke kaya’t kami ay nag-uunahan sa paggamit nito upang kumanta.
8. Pang-ulong hatinig – Ito ay ang ‘headset’ sa ingles.Halimbawa: Si Marco ay mahilig makinig ng musika kaya’t lagi niyang gamit ang pang-ulong hatinig.
9. Anluwage – isang uri ng trabaho ng tao; karpentero.Halimbawa: Hindi nakakalimutan ng aking ama magdala ng martilyo at pako sa kanyang trabaho dahil siya ay nagtratrabaho bilang isang anluwage sa tinatayong istraktura sa aming lungsod.
10. Butsaka – bulsa ng damit.Halimbawa: Ang tanging laman ng aking butsaka ay ang aking pitaka.

See also  Pinakamura Ang Mga Bilihin Sa Palengke​