Gumawa Ng Lakbay Sanaysay Tungkol Sa Pamilya. Dapat Mahaba Po!​

gumawa ng lakbay sanaysay tungkol sa pamilya.
dapat mahaba po!​

Answer: Ang pamilya

Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.

Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin. Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa bahay.

Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at ina, lalo na’t ang mga ito’y nakababata. Kadalasa’y sama-sama sa isang bahay ang lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak. Kung minsa’y kapisan din ang wala pang asawang kapatid ng ama o ina. Kapag ganitong kumpleto ang pamilya’y tatlong salin-lahi ang nakatira sa iisang bahay. Tulung-tulong sila sa mga gawain at sa paghahanap-buhay.

Masinsin ding inaalala ng pamilya ang bawat kaarawan at anibersaryo. Sa mga okasyong ito ay may mga salu-salo’t pagtitipon. Ang may kaarawan o may anibersaryo ay binibigyan ng regalo. Nagbabalitaan ang pamilya at ikinukuwento ang buhay-buhay ng isa’t-isa. Gayun din ang buhay-buhay ng iba pang kamag-anak. Sa ganitong paraan, alam ng lahat ang halos lahat nang nangyayari sa iba pang pinsan o pamangkin. Masasabing tsismis ang ganitong pagbabalitaan subali’t may mabuti itong aspeto. Kung may nangangailangan ng tulong ay nalalaman kaagad ng pamilya.

See also  Maikling Dula Halimbawa

Ang pagtulong ay isang malaking bahagi ng samahan ng magkakamag-anak. Sa pananaw na ito, hindi maaring umangat nang nag-iisa ang isang tao. Kailangan niya ang tulong ng kaniyang pamilya – sapagkat lubhang mahirap ang buhay sa mundo. Sa kabilang dako, ang taong may pag-aaruga sa kanyang pamilya ay kinakasiyahan ng kapalaran. Ganito halos ang nangyayari lalo na sa mga pamilya ng dukha. Nagtutulong-tulong ang mga nakababatang anak, ang ama at ina, upang mapaaral ang pinakamatanda. Pag nakatapos na ito, tungkulin naman niyang paaralin ang kanyang mga kapatid. Kung mag-aasawa man siya ay inaasahan na tutulong din ang mapapangasawa niya.

May mabuti at masamang aspeto ang ganitong tradisyon sa Pilipinas. Kung minsan ay nagsasamantala ang ibang kamag-anak. Sapagkat lagi silang may matatakbuhan ay hindi sila natututong maging responsable sa kanilang buhay. Pangalawa’y nahihirapan ang isang Pilipino na makaabot sa kanyang mga layunin sa buhay. Mangyari’y dala-dala niya ang problema ng kanyang buong pamilya.

Sa kabilang dako, ang pagtutulungang ito marahil ang pinakamatibay na sandata laban sa trahedya. Ang mga naulilang mga bata ay may maaasahan. At kahit na mahirap ang isang pamilya’y nakararaos din kahit paano. Ang pamilya rin ang nagtataguyod ng mahuhusay na pagpapahalagang sosyal. Itinataguyod nito ang pagiging responsable, ang pagtutulungan, ang pagkakaisa at pagtatangi sa isa’t-isa. Matibay din itong sanggalang laban sa tinatawag na “alienation” at iba pang karamdaman ng isip at damdamin.

Answer:

Nagpasya ang aming pamilya na maglakbay sa isang malayong lugar upang mas maikwento ang aming pakikipagsapalaran sa ibang bansa at matutunan ang iba’t ibang kultura. Napili namin ang bansang Japan dahil sa kanilang matatalinong teknolohiya at kagandahang-loob ng mga tao.

See also  Alin Sa Mga Kilos O Gawi Ni Liongo Ang Masasalamin Sa Kasulukuyang Pangyayari...

Nang magsimula ang aming lakbay, agad naming nakita ang iba’t ibang kagandahan ng bansa. Napakaganda ng mga tanawin sa Tokyo, kung saan nakakakita ng mga modernong gusali at mga tradisyonal na templo. Nagpasyang tumungo kami sa mga museo upang mas lalong mapaunlad ang aming kaalaman tungkol sa kanilang kultura.

Ngunit hindi lamang mga museo at gusali ang aming pinuntahan. Nagpasyang mag-eksplorar kami sa mga lokal na palengke at maglakad sa mga pook na hindi karaniwang pinupuntahan ng mga turista. Sa ganitong paraan, nakakapag-ugnayan kami sa mga lokal na tao at nakakatugon sa kanilang mga kultura.

Habang naglalakbay, napakaraming bagay ang natutunan namin tungkol sa kanilang kultura at sa amin mismo. Natutunan namin na hindi lahat ng mga tao ay nagkakatulad sa atin, ngunit sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikinig sa bawat isa, mas nauunawaan natin ang isa’t isa.

Sa pamamagitan ng aming lakbay sa Japan, mas naging malapit ang aming pamilya dahil sa mga bagay na natutunan namin at mga pangyayari na naganap sa panahon ng lakbay. Sa huli, nagkaroon kami ng mas malalim at mas matatag na pang-unawa sa mundo at sa isa’t isa. Sa susunod na lakbay, inaasahan namin na marami pa kaming matutunan at mas marami pang magagandang karanasan.

Explanation:

example lang Toh diko naman alam experience mo

Gumawa Ng Lakbay Sanaysay Tungkol Sa Pamilya. Dapat Mahaba Po!​

Lakbay-sanaysay-2.docx. Pokus ng lakbay sanaysay. Lakbay sanaysay

Mga Halimbawa Ng Sanaysay Lakbay Tungkol Sa Sariling Karanasan Mobile

Lakbay sanaysay sa. Sanaysay lakbay puntahan. Lakbay sanaysay

Lakbay Sanaysay Sa Baguio - regalong sanaysay

Lakbay sanaysay example of a lakbay sanaysay philippines. Baguio lakbay sanaysay. Lakbay sanaysay sa ilocos.docx

Lakbay Sanaysay - Grade: 12 - LAKBAY SANAYSAY : Baguio TripBAGUIO

Lakbay sanaysay pdf. Lakbay sanaysay halimbawa. Lakbay sanaysay sa baguio

See also  Gawain Said Pagkatuto Bilang 1 Magbigay Ng 3 Tatlo Hanggng Limang 5 Magagandang Luga...

Halimbawa Ng Lakbay Sanaysay – Halimbawa

lakbay sanaysay halimbawa baguio isang iba u2019t pumunta kabataan ibang nais docx bilang

Lakbay sanaysay. Lakbay sanaysay. Sanaysay lakbay