Gawain Sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin At Unawaing Mabuti Ang Kuwento. Pag…

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa

iyong sagutang papel.

Sama–samang Pagkilos Tungo sa Isang Layunin

ni: Beverly D. Sastrillo

Isang araw, nagpatawag ng pagpupulong si Jessa, ang lider ng mga

kabataan sa barangay, upang pag-usapan ang proyektong makatutulong sa

pag-aaral ng mga kabataan. Inimbitahan niya ang kaniyang mga kagawad

gayundin ang lahat ng kabilang sa Sangguniang Kabataan. Nang nalaman

ni Brix ang tungkol sa pagpupulong kaagad siyang nagtungo sa Barangay

Hall kung saan gaganapin ang pagpupulong.

Sinimulan ang pagpupulong nang

dumating na ang lahat ng kabilang sa

pagpupulong.

“Mga kasama, nagpatawag ako ng

pagpupulong upang makabuo tayo ng

proyekto na makatutulong sa pag-aaral ng

mga kabataan dito sa ating barangay lalo

na ngayong panahon ng pandemya,” sabi

ni Jessa. “Ano sa inyong palagay ang higit

na kailangan ng ating mga kabataan

ngayon?” sunod niyang tanong.

“Dahil sa pandemya, kinailangan ng mga kabataan na hindi umalis sa

kani-kaniyang tahanan upang sila ay mapangalagaan. Gayundin, sa ngayon

ay marami ang nag-o-online class at kailangang makapag-print ng

kanilang mga takdang-aralin. Sa palagay ko, makatutulong ang libreng

pagpi-print upang hindi na gumastos sa printing ang ating mga kabataan,”

pahayag ni Brix.

“Tama! Makakatulong nga iyon nang malaki at makakabawas sa

gastusin ang kanilang mga magulang,” sabi ni Jess.

“Sang-ayon din ako sa kanilang suhestiyon,” ang sabi naman ni Jana.

D

PIVOT 4A CALABARZON EsP G5 8

“Maganda nga ang panukalang iyan upang makatulong tayo sa mga

kabataan dito sa ating barangay. Makakatutulong din tayo upang mapadali

See also  Paano Nakilala Ang Mga Babaeng NASA Larawan​

ang kanilang pag-aaral. Maglalaan tayo ng badyet upang makabili ng

printer na ilalagay natin dito sa Barangay Hall upang mas madaling

magamit ng mga mangangailangan nito,” sabi ni Jessa.

“Oo, sang-ayon kami,” sabay-sabay na sagot ng mga dumalo sa

pagpupulong.

Dahil sa naisip na proyekto ng Sangguniang Kabataan, hindi na

kailangang gumastos ng mga mag-aaral sa pagpi-print ng kanilang mga

takdang-aralin na kailangan sa paaralan.

Mga tanong:

1. Ano ang layunin ni Jessa sa pagtawag ng pagpupulong?

2. Ano-ano ang mga kanais-nais na kaugalian ang ipinakita ng bawat isa

sa kuwento?

3. Paano nakabuo ng proyekto ang mga kabataan? Anong kaugalian ang

ipinamalas ng bawat isa sa pagbuo nito?

4. Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ba ang mga kaugaliang ito

sa mga Filipino? Patunayan.

5. Bilang isang batang Filipino, paano mo maipakikita ang mga kanais-

nais na mga kaugaliang Filipino? Isa-isahin.

Answer:

1. Ang kanyang layunin ay para makabuo sila ng proyekto na makatutulong sa pag aaral ng kabataan sa kanilang barangay lalo na ngayong pandemic.

2. Ang kanais nais na kaugalian sa kwento ay ang pagtulong nila sa mga kabataan na nagigipit dahil sa pandemya.

3. Nakabuo sila dahil pag tulong tulong nila, ang ka ugalian na ipinamalas dito ay isang mabuti dahil ginagawa nila ang lahat para sa kabataan.

4. Oo, dahil ito ang nakasanayan na gawin ng mga pilipino lalo na ang mga kabataan at dahil yun sa mabuting oag gabay ng mga magulang natin.

5.Sa pamamagitan ng pag tulong sa kapwa, pag galang sa mga nakakatanda lalo na sa ating mga magulang, pagrerespito, maging ma bait, at higit sa lahat ay panatilihing mirong ugnayan sa panginoon.

See also  Kahalintulad Ni Nana Ducia

Explanation:

Sana maka tulong poh…