Essay Tungkol Sa: Wikang Katutubo Tungo Sa Isang Bansang Fil…
Essay tungkol sa: Wikang Katutubo Tungo Sa Isang Bansang Filipino
Bawat taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa sa tuwing buwan ng Agosto. Sa tuwina din ay magkaiba ang mga tema ng pagdiriwang. Sa taong ito, ang naging tema ay ang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Pinagtibay ng Komisyon ng Wikang Filipino ang nasabing tema. Hangad lamang ng temang ito na maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino sa mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawa. brainly.ph/question/555919
Proklamasyon ng UNESCO
Ang pagdiriwang ngayong taon ay alinsunod sa proklamasyon ng UNESCO ngayong taon alinsabay sa pardiriwang ng International Year of Indigenous Languages. Ang pagpapatupad ng programang ito ay mahalaga sa KWF upang at para sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagaling at kalinangang Pambansa ng mga Filipino. brainly.ph/question/1671889
Ang mga aktibidad ay hinati sa apat na lingguhang tema:
- Linggo 1 – Ako at ang Katutubong Wika Ko
- Linggo 2 – Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga Katutubong Panitikan at Kaalamang-bayan
- Linggo 3 – Sakrikultura: Multingguwalismo at Pag-uugnayan para sa Isang Bansang Filipino
- Linggo 4 – Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Filipino.
Mga Aktibidad
Pagbibigay ng mga pagsaalang-alang pangwika para sa mga serbisyong frontline at/o programa .
- Pagtataas ng Watawat bilang hudyat ng pagbubukas ng Buwan ng Wika .
- Pagpapaskil ng ahensiya ng tarpolin o poster para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika .
- Pagbibigay ng mga grant at/o gawad para sa mga programa para sa mga katutubong wika .
- Pagdaraos ng mga eksibit ng mga salita o katawagan mula sa iba’t ibang katutubong wika sa bansa .
Ano nga ba ang kahulugan ng wikang pambansa? brainly.ph/question/598098
Answer:Marahil marami na sa atin ang nakarinig sa mga salitang ito na binitawan ng ating pambansang bayani: “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”.
Mula sa mga salitang iyon ni Rizal ay namutawi na sa lahat ng Pilipino na marapat nating mahalin ang ating wika. Ngunit, higit pa sa ating sariling wika ay ang marami pang mga katutubong diyalekto na siyang pinangangalagaan ng ating kultura at kasaysayan pero buhat ng pagbabago ng panahon, ang mga ito kasama na ang ating sintang wika ay unti-unting nakakalimutan.
Nababalewala. Nang dahil sa pagsulpot ng mga makabagong wika na likha ng mga modernong tao, tuluyan na nga nating nababalewala ang mga katutubong wika ng bansa. Napapalitan at nahahaluan na ito ng iba pang wika kaya’t nawawala na ang konteksto at kahulugan nito.
Lingid sa ating kaalaman na ang ating wika kasama ang mga katutubong diyalekto ang nagsisilbing tulay ubang mapagbuklod ang lahing Pilipino. Binubuhay nito ang kulturang siyang tumatayong identipikasyon ng ating lahi na ating maipagmamalaki sa iba pang mga banyagang tao.
Nagkakaisang bansang Pilipinas. Kung ating yayakapin ang ating mga kinagisnang wika sa ating bansa, hindi malabong mangyari ito– ang magkaisa ang bawat Pilipino. Dahil mayroon tayong iisang pananalita at iisa ang lengguwaheng lumalabas mula sa ating bibig na siyang bubuo sa isang bansang maunlad at progresibo.
Hindi pa huli ang lahat, hindi pa sila nawawala, hindi pa sila nakabura sa kasaysayan, ang wikang maka-Pilipino ay masugid na naghihintay upang maibangong muli, maipagmalaki, at muling mamutawi sa dugo ng bawat taong bumubuo sa isang lupang hinirang ng Diyos na kung tawagin ay Pilipinas
Explanation:
sa filipino wikang katutubo slogans bansang isang tungo list
Buwan ng wika basic poster slogan making concept. Pagdiriwang ng buwan ng wika at kasaysayan: “ wikang katutubo: tungo sa. Tula tungkol sa wikang katutubo tungo sa isang bansang filipino
Bansang filipino wikang tungo isang katutubo amcc. Aralingpilipino.com: buwan ng wika 2019 wikang katutubo: tungo sa isang. Katutubo wikang bansang
wika ng buwan katutubo wikang tungo isang bansang
Pagdiriwang ng buwan ng wika at kasaysayan: “ wikang katutubo: tungo sa. Poster making buwan ng wika 2019 theme wikang katutubo tungo sa isang. Filipino literature from filipino youth: wikang katutubo: tungo sa
spoken poetry wikang bansang magbigay temang tungo halimba isang katutubo
Tula katutubo wikang tungkol tungo isang bansang sabay buhay agos. Katutubo poetry spoken wikang wattpad. Buwan ng wika slogan making wikang katutubo tungo sa isang bansang