Epekto Ng Pagpupuyat Sa Mga Estudyante Thesis
Epekto ng pagpupuyat sa mga estudyante thesis
EPEKTO NG PAGPUPUYAT SA MGA ESTUDYANTE
- Malaki ang posibilidad na mahuli sa klase kasi inaantok pa at ayaw gumising ng maaga upang makapaghanda papuntang eskwelahan.
- Mainit ang pakiramdam kasi hindi naligo dahil nga puyat. Posible ring mangamoy at hindi gustong malapitan ng ibang bata sa eskwelahan.
- Matamlay. Ang pagliligo ay nakakapagbigay ng sigla sa atin upang kumilos at gawin ang ating mga gawain sa araw-araw. Kung ang isang tao ay walang ligo, siya ay magiging matamlay sa buong araw.
- Madaling magkasakit. Ang sapat na tulog ay isa sa mga kailangan upang maging masigla ang ating pangangatawan at magkakaroon ito ng lakas laban sa sakit. Ang mga nagamit na cells ay nag re rejuvinate o muling nagbabago sa tuwing tayo ay natutulog. May sapat na oras upang magawa nila ito kaya hindi ito nakukompleto kapag kulang tayo satulog dahilan upang madaling mahawaan o magkasakit ang isang estudyanteng kulang sa tulog.
- Bugnutin. Isang malaking posibilidad na hindi magiging maayos ang kanyang trabaho at maging pakikitungo sa ibang tao sapagkat ang taong kulang sa tulog ay bugnutin.
Isa sa nagpapalakas at nagpapalusog sa tao ay ang pagtulog sa sapat na oras. Kinakailangan ng isang tao ang anim hanggang walong oras na tuwirang pagtulog sa gabi hanggang umaga. Hindi pa kasali rito ang pag-idlip sa araw na pwedeng wala lang dahil sa buong araw na gawain. Subalit dahil sa mga importanteng trabaho at obligasyon, hindi maiiwasang nagpupuyat tayo lalo na ang mga estudyante upang ma meet ang deadlines ng mga proyekto at assignments.
BENEPISYO NG PAGTULOG SA SAPAT NA ORAS
- Pampasigla. May sapat na enerhiya para sa buong araw dahil naipahinga ng maayos ang mata, utak at katawan.
- Malayo sa sakit sapagkat masigla at may ganang kumain.
- Maganda ang balat. Napapabagal nito ang pagkulubot.
- Napapanatili ang pagiging alerto. Nagdudulot ito ng maayos na pakikutungo sa kapwa at maayos na paggawa ng trabaho.
- Presko ang pakiramdam sapagkat hindi na bawal ang maligo.
See also Nagtalik Tas 2 Days After, Dinalaw Ako, Kakatapos Lang Ng Mens Ko Then 5 Days After Suma...
Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:
https://brainly.ph/question/2076758
https://brainly.ph/question/2106935
https://brainly.ph/question/2524786
#LetsStudy