Diskripsyon Ng Kaharian Ng Srivijaya
Diskripsyon ng kaharian ng srivijaya
ano yung srivijaya ano yan sorry di ko masasagutan
Explanation:
Ang Srivijaya (nakasulat bilang Sri Vijaya o Sriwijaya sa Malay o Indones; bigkas sa Indones: [sriːwidʒaja]; bigkas sa Malay: [ˈSriːvidʒäjä] )[3]:131 ay isang Budistang tasalokratikong imperyo na ang sentro ay sa isla ng Sumatra, Indonesia, na nakaimpluwensiya sa kalakhan ng Timog-silangang Asya.[4] Ang Srivijaya ay isang mahalagang sentro para sa pagpapalawak ng Budismo mula ika-8 hanggang ika-12 siglo AD. Ang Srivijaya ay ang kauna-unahang pinag-isang kaharian na nangingibabaw sa kalakhan ng Kapuluang Malay.[5] Ang pag-angat ng Imperyo ng Srivijaya ay kahanay sa pagtatapos ng panahon ng paglalakbay sa dagat ng Malay. Dahil sa lokasyon nito, ang dating malakas na estado na ito ay bumuo ng kumplikadong teknolohiya na gumagamit mula sa mga rekurso sa dagat. Karagdagan, ang ekonomiya nito ay naging unti-unting nakasalalay sa mabilis na kalakalan sa rehiyon, sa gayon ay naging isang ekonomiya ito na batay sa prestihiyosong kalakal.