Buod Ng Politika Ng Wika, Wika Ng Politika
Buod ng Politika ng wika, wika ng politika
Answer:
The Varsitarian
Filipino
Pulitika ng wika, wika ng pulitika
By Tomas U. Santos – November 17, 2008135384
ISA SA mga pangunahing pagkakaiba ng tao sa hayop ang kakayahan niyang makapagsalita. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipapahayag niya ang kanyang mga ideya at saloobin. Subalit pwede ring maging makapangyarihang sandata ang wika upang wasakin ang kanyang kapwa.
Sa isang seminar, “Pulitika ng Wika: Dekonstruksyon, Ilusyon, Imahinasyon,” noong Agosto 19 sa St. Raymund’s Building, tinalakay ni Dr. Pamela Constantino, isang tanyag na linggwista at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ang halaga ng wika sa lipunan.
Binigyang-diin ni Constantino na hindi maikakailang hindi ginagamit na midyum ang Filipino sa pagtuturo at mga transaksyon sa negosyo bagaman ito ang pambansang wika.
Ayon kay Constantino, “Sagisag ang pagturing sa wikang pambansa habang lisensiya naman ang turing sa wikang dayuhan.”
Ipinaliwanag ni Constantino na mas madalas gamitin ang Pambansang Wika sa mga usaping pulitikal gaya ng pangangampanya tuwing eleksyon at talumpati ng Pangulo sa mga mahahalagang okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, mas kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang Pilipino ang kanilang mga sinasabi.
“Nasa wika ang mga konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng gawaing pulitikal kaya naman ginagamit ito para magkaroon ng political control,” ani Constantino.
Dahil sa wikang ginagamit ng mga pulitiko, nagkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa mga nagaganap sa gobyerno. Maririnig sa anumang lugar ang mga nagbabagang isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga pulitiko. Sa radyo, telebisyon at kahit na sa mga mumunting tindahan, iisa ang bukambibig ng mga tao—pulitika.
“Talamak ang pulitika sa’ting bansa. Tila nasa dugo na ng mga Pilipino ang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa’ting gobyerno,” sabi ni Constantino.
noon ngayon kapaligiran
Noon ngayon politika pagkakaiba. Pagkakaiba ng politika noon at ngayon. Kasuotan ngayon drawing
noon politika ngayon
Pamahalaan noon sa pilipinas. Paraan ng panliligaw ngayon. Politika noon at ngayon sa pilipinas
noon ngayon kapaligiran
Politika noon at ngayon sa pilipinas. Politika noon at ngayon sa pilipinas. Kwatro khanto: noon at ngayon
Politika noon at ngayon sa pilipinas. Libangan noon at ngayon drawing. Kapaligiran noon at ngayon drawing