Buod Ng Alamat Ng Chocolate Hills
Buod ng alamat ng chocolate hills
Explanation:
ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS
Noong unang panahon,sa magkabilang dulo ng isla, may dalawang higanteng dumating, isa mula timog, isa mula hilaga.
Ang dalawang higante ay nag-agawan sa lupa na kinatatayuan nila.Nagalit sila sa isa’t isa.
Dahil katatapos ng tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila, humubog ang isang higante ng putik na bilog at binato sa isa. Gumanti ang kalaban at humulma rin ng bilog na putik na siya ring binato sa kapwa higante. Walang humpay na batuhan ng binilog na putik ang namitawit hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.
Ang mga bilog na putik na siyang ibinato ng mga higante ay tumigas at ngayoy bulubundukin na. Ito na ngayon ay mas kilala bilang “Chocolate Hills”.