Buod Ng Akasya O Kalabasa Consolation P. Conde

buod ng akasya o kalabasa consolation p. conde

Akasya o Kalabasa

Ni Consolation P. Conde

Narito ang buod ng kwentong “Akasya o Kalabasa
“.


Mayroong pamilya ang nagnanais ipasok ang kanilang anak sa isang kilalang eskwelahan sa Maynila. Kung kayang u,agang iyon maagang bumangon ng higaan si Aling Irene upang kanyang  maihanda ang mga pangangailangan ng kanyang anak na si Iloy patungo sa Maynila. Upang doon ito ay makapag-aral. Ang kanyang amang  si Mang Simon ang sasama sa pagluwas niya ng Maynila. Nang makarating sa nasabing  paaaralan ay agad sila na nagtungo sa Tanggapan ng Punong-guro. Ang mag-ama ay magalang na bumati sa Punong guro kanilang naabutan sa tanggapan. Ang Punong guro ay nagbigay galang din sa kanila. Agad nilang sinabi ang kanilang pakay. Sinabi ni Mang Simon sa Punong-guro na ang gusto lamang niya para sa kanyang anak na si Iloy ay isang maiksing kurso. Kung kaya ay Punong-guro ay nagwika  “Aba, opo,”  ang tugon nito. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”

Sa sinabi ng guro ang mag-ama ay nagbulungan. At nagkaroon sila ng kapasyahan kung ano nga ba ang nararapat para sa batang si Iloy. Si Mang Simon ay umuwing mag-isa sapagkat pinili nila ng kanyang anak na si Iloy ang matagalang edukasyon ng sa gayon yumabong ang kaalaman at kinabukasan ng batang si Iloy. Pinili niya ang kanyang anak ay maging isang Akasya.

See also  Sumulat Ng Kasabihan Tungkol Sa Mga Sumusunod Na Paksa Sa Ibaba....

 

I-Click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/1991521

https://brainly.ph/question/1987245

https://brainly.ph/question/478714