Bisa Sa Damdamin Sa Romeo At Juliet
Bisa sa damdamin sa romeo at Juliet
Bago ating talakayin ang bisa sa isip sa damdamin ng Romeo and Juliet. Marapat lamang na ating malaman kung ano ang akdang ito. Ang Romeo and Juliet ay isang banyagang akda na siyang isinalin sa maraming wika at ginawang pelikula, palabas sa telebisyon, at mga dula sa entablado sa maraming bansa sa buong mundo. Marami ang mga dahilan ng pagiging tanyag ng akdang ito na isinulat ni William Shakespeare (para sa karagdagang kaalaman tungkol kay Shakespeare tumungo lang sa link na ito: brainly.ph/question/323673).
Ngayon ano ang ibig sabihin ng bisa sa isip at damdamin? Ang bisa sa isip at damdamin ay ang epekto ng pagbabasa ng Romeo and Juliet sa kalagayang pang-emosyon ng mambabasa. Samantala, ang bisa naman sa isip ay ang pagtulong ng akda sa pagpapanibagong perspektiba ng mambabasa. Maliban sa mga nabanggit, may isa pang bisang pang-akda, ito ay ang bisang pangkaasalan. Ano ang bisang pangkaasalan? Ito naman ay ang pagbabago sa pagkilos o pananaw ng isang mambabasa pagkatapos magbasa ng isang akda. Para sa mga dagdag pang kaalaman tungkol sa mga bisang ito, tumungo sa link na ito: brainly.ph/question/465325
Hindi na rin kailangan pang lumayo. Ang El Filibusterismo (para sa dagdag pang kaalaman tungkol sa akdang ito ng bayaning si Dr. Jose P. Rizal, i-click ang link na ito: brainly.ph/question/521258) ay isa sa mga akdang sariling atin na may matinding bisa sa damdamin, isip, at kaasalan ng mga Filipino. Ilan sa mga bisa sa isip at damdamin ng El Filibusterismo ay ang pagsasalarawan ng tunay na kalagayan ng mga Filipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila habang sa damdamin naman ay ang pagpukaw sa makabayang damdamin ng mga taong inaapi at inaalipusta noon ng mga mananakop.